Advertisers

Advertisers

Bata bawal sa Luneta Park!

0 324

Advertisers

Ito ay kasunod ng pagdagsa ng mga namamasyal sa parke nitong Kapaskuhan.
Ayon kay National Parks Development Committee (NPDC) Administrator Cecile Lorenzana Romero, napagdesisyunan ng pamunuan ng parke ang pagbabawal na sa mga bata sa Luneta dahil na rin sa tumataas na kaso gn Covid-19 kada araw bukod pa sa bagong strain ngvirus.
Una nang pinayagan ang mga bata na mamasyal sa mga parke basta’t kasama ang kanilang mga magulang o guardian kaya naman sda mismong araw ng Pasko, Dec.25 ay dinagsa ng mga park goers ang parke kung saan napakahaba ng pila sa entrada ng Luneta Park nitong Biyernes.
Ayon kay Romero, 30 libo katao naman ang maximum capacity ng Luneta na malayo naman sa dalawang libo na pinayagan kada pagkakataon kaya naman madali umanong naipatupad ang physical distancing. (Jocelyn Domenden)