Advertisers

Advertisers

Covid update: 307 gumaling; 7 nasawi; 1,885 bagong kaso

0 220

Advertisers

NADAGDAGAN pa ang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus disease o COVID-19 sa bansa nitong Biyernes, Disyembre 25.
Batay sa huling datos ng Department of Health (DOH), 1,885 ang bagong naitalang kaso ngayong araw kaya umabot na sa 467,601 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa bansa.
 
307 naman ang bagong naitalang gumaling o naka-recover na sa COVID-19 sa bansa kaya umabot na ito sa 430,791.
 
Ang bilang naman ng nasawi ay nadagdagan ng 7 kaya umabot na ito sa 9,062.
 
Muling polng DOH ngayong ipinagdiriwang natin ang Pasko ay dapat limitahan lamang sa immediate family members ang mga pagtitipon, masusustansyang pagkain din ang ihain at laging tandaan ang pagsusuot ng face mask at face shield sa paglabas at iwasan din ang pakikihalubilo sa maraming tao.