Advertisers

Advertisers

WALANG SAYSAY ANG PANAWAGAN NI PACQUIAO LABAN KAY DUQUE

0 293

Advertisers

MALIGAYANG-MALIGAYANG Pasko po.

Pagpalain kayong lahat ng Panginoong Diyos.

***



KAUUPONG pangulo ng Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP – Laban) si Senador Manny Pacquiao, ngunit walang saysay na agad ang panawagan nito na tanggalin sa puwesto si Secretary Francisco Duque III.

Nakuha ni Pacquiao ang posisyon ng pagiging presidente ng PDP – Laban kay Senador Aquilino “Koko” Pimentel III.

Si Pangulong Rodrigo Duterte ay nananatiling “Chairman” ng namumunong partido.

Ilang araw makaraang maging presidente ng PDP – Laban si Senador Pacquiao ay biglang pumasok ito sa isyu ng “drop the ball”.

Ang isyung ito ay may kinalaman sa isang miyembre ng gabinete ni Duterte na napabalitang nakasira umano sa pakikipag-usap ng dalawang opisyal ng pamahalaan sa isang opisyal ng administrasyon ni Pangulong Donald Trump tungkol sa bakuna ng Pfizer laban sa COVID – 19.



Sabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro “Teddyboy” Locsin Jr., dahil sa ginawa ni Duque na paglaglav ng bola ay hindi na matutuloy ang 10 milyong doses ng bakuna ng Pfizer na maibigay sa Pilipinas sa Enero , 2021.

Ang bakuna ng Pfizer laban sa COVID – 19 ay ginarantiyahan ng mga experto ba mataas ang antas ng tinatawag na “efficacy rate” nito kumpara sa bakunang puntirya ng bata ni Duterte sa China.

Tapos, ibinalita rin ng isang pro-Duterte senator na mas mababa ang presyo ng bakuna ng Pfizer kaysa presyo ng Sinovac.

Dahil malabo nang makarating ang bakunang galing sa Amerika sa darating na Enero, nabira na naman si Duque ng mga senador.

Isa si Pacquiao sa mga nambigwas kay Doctor Duque.

Ang kaibahan sa pahayag ni Pacquiao ay nanawagan ito kay Duterte na palitan si Duque.

Siyempre, nakakagulat si Pacquiao dahil ilang ulit nang nakaladkad at naiugnay ang pangalan ni Doctor Duque sa iba’t ibang kontrobersya at kontra – mamamayang desisyon ngayong binabatirya ang Pilipinas ng COVID – 19, ngunit kahit isang salita tulad ng “palpak” si Duque ay hindi narinig ng mamamayang Filipino mula kay boksingerong senador.

Sabi ni Pacquiao, dapat palitan si Duque ng iba sa Department of Health (DOH) upang malaman kung epektibo si Duque, o hindi.

Hindi kailangang ikumpara si Duque upang malaman kung karapat-dapat ito sa DOH, o hindi.

Iyong mismong serye ng mga ginawa niya ang siyang magsasalita at magdidiin sa kapakpakan ni Duque.

Parehas din sa ginagawa ng mga miyembro ng Kongreso.

Kung ‘tahimik’ ang senador, o kongresista, nangangahulugang palyado ang senador.

Tama po ba Senador Pacquiao?

Ngayong biglang nagsalita si Pacquiao laban sa kalihim ng DOH na ‘mahal na mahal’ ni Duterte ay hindi nangangahulugang masipag na senador na si Manny Pacquiao.

Kung sisipating mabuti, masyado nang gasgas ang panawagan ni Pacquiao.

Marami nang nakarinig ng ganyan.

Tapos, pulpol pa ang katwiran ni Pacquiao laban kay Duque.

Kaya, maliwanag pa sa sikat ng araw na walang saysay ang panawagan ng presidente ng PDP – Laban.

Dapat, ginalingan at tinalasan ng senador ang birada at ang katwiran niya sa pagpapatanggal kay Doctor Duque.

Ito’y dahil napakalakas ni Duque kay Duterte.

Kung malakas si Pacquiao kay Duterte, palagay ko mas malakas si Duque kay Duterte.

Hindi ko alam ko alam kung bakit.

Wala namang journalist na nakadestino sa Malacanang beat ang naglalabas ng dahilan kung bakit ubod nang lakas ni Duque kay Duterte.

Kapag tanungin naman ang tagapagsalita ni Duterte na sikat na sikat sa FB na si Atty. Harry Roque Jr. ay sasagot ito ng “all cabinet members serve at the pleasure of the president”.

Kaya, kahit ayaw ng kahit sinong opisyal ng PDP – Laban, kahit si Senador Pacquiao pa ang nagsalita, ay walang saysay ang sasabihin nito.

Kaya, mabuti pang manahimik na lang si Pacquiao kapag si Secretary Duque ang paksa tulad ng ginawa niya sa mga nakalipas na taon at buwan.