Advertisers

Advertisers

Handog pabahay proyekto ng EPD

0 232

Advertisers

Saludo ang ARYA sa EASTERN POLICE DISTRICT na pinamumunuan ni PBGENERAL MATTHEW BACCAY dahil sa kanilang natatanging proyekto na HANDOG PABAHAY ay ilang hikahos sa buhay na nasalanta ng nagdaang bagyong ULYSSES ang napasaya nila ngayong HOLIDAY SEASON sa gawi ng MARIKINA CITY na lubhang nilubog ng tubig-baha.

Ang isa sa pinagpalang residente mula sa PAMASKONG HANDOG NG EASTERN POLICE DISTRICT ay si MERLITA VILLAMOR RABINO, 72 ng BULALAD SETTLEMENT, BRGY. NANGKA, MARIKINA CITY na pinagtulungtulungan ng mga kapulisan ang paggawa ng maayos na bahay bilang bagong tahanan ng nasabing benepisaryo.

Nitong December 25 ng umaga ay isinagawa ang simpleng seremonya sa pagkakaloob ng bahay sa benepisaryong si RABINO, na ang mga nagsidalo ay pinangunahan nina PBGEN. BACCAY at MARIKINA CITY PCOL. RESTITUTO ARCANGEL kasama sina POLICE CHIEF LT. COLONEL VIVENCIA OCAMPO, DCADD CHIEF; at DCADD DEPUTY PMAJOR ERIC CISTER.., kung saan ay hindi lamang bahay kundi sinamahan na rin ng mga kagamitang pangkusina, pang-kuwarto at grocery items.



“Ito na marahil ang pinakamasayang pasko at pinakamasayang kaarawan sa tala ng aking buhay sapagkat ito ang una kong pagkakataong tumira sa isang maayos na bahay,” halos maluhaluhang pahayag ni RABINO.

Ang naturang proyekto ay pinagtulung-tulungan ng mga kapulisan partikular na sa mga bumubuo ng MARKINA CITY POLICE na umulan man o maaraw ay pinagtiisan ng mga pulis ang pagiging mga construction worker na kanilang tinagurian bilang “PINSALA NI ULYSSES AAYUSIN NI MANONG PULIS” bilang bahagi sa pagpapakitang-malasakit sa mga naghihirap na residenteng nasasakupan ng kanilang AREA OF RESPONSIBILITY.

May 3-bahay ang natapos ng mga kapulisan na ipinagkaloob sa mga benepisaryo.., na ang pondong ginamit ay sa kontribusyon ng mga pulis mula sa kani-kanilang mga suweldo at namahagi rin sila ng mga noche buena packs.

Ang ganitong mga pamamaraan ang dapat papurihan dahil sa ambag nilang pagpapaganda sa imahe ng PHILIPPINE NATIONAL POLICE.., kaya marapat at napapanahon na ang mga kasamahan nilang nagsisilbing mga bugok dahil sa iba’t ibang mga katiwalian ay kalusin o sibakin na sa serbisyo!

***



MGA ABUSADONG PULIS DI UUBRA SA QC

Babala sa lahat ng kapulisan na nahihirati pa rin sa katiwalian tulad ng tanim-ebidensiya at pangongotong ay magbago na at makuntento sa kani-kanilang mga suweldo dahil sa oras na may magsuplong sa QUEZON CITY PEOPLE’S LAW ENFORCEMENT BOARD (PLEB) ay mamimiligro ang inyong mga propesyon bilang LAW ENFORCERS.

Tulad na lamang sa sinapit ng 2 pulis na
sina PATROLMAN ZALDY MEJOS JR at JULIE BOISON ay na-demote ng tig-isang ranggo dahil napatunayang nagkasala ang mga ito sa kasong GRAVE MISCONDUCT FOR UNLAWFUL ARREST AND SEARCH WITHOUT PROPER WARRANTS mula sa reklamo ni MARISSA TORRES noong January 19, 2019.

Itinanggi ng naturang mga pulis ang akusasyon at nagsaad na habang sila ay nagpapatrolya sa bisinidad ng bahay ni Torres ay may natanggap umano silang impormasyon na may baril ito at namataan umano ni PAT. BOISON ang nozzle o dulo ng baril sa black sling bag sa loob ng sarisari store ni TORRES kaya pinasok na nila at nagsagawa ng pagrerekisa sa loob ng bahay.

Nakita umano nila ang baril at illegal drugs sa loob ng bahay kaya inaresto si TORRES na itinanggi rin ng huli at nagsabing hindi kaniya ang baril at ang illegal drugs kundi planted evidence.

Pinanigan ng QCPLEB si TORRES sa pagpupunto na ang warrantless arrest, seach and seizure na isinagawa ng 2 pulis ay “cannot be justified under the plain view doctrine” at sa halip ay “plain view doctrine applies when the discovery of evidence is inadvertent”.

“We have no agenda but to dispense justice. Constitutional rights are there to be upheld,” pagpupunto ni QC PLEB EXECUTIVE OFFICER ATTY. RAFAEL CALINISAN na aniya ay illegal at unlawfully arrested na maging ang paghalughog sa pamamahay ay walang search warrant.

Umapela si CALINISAN sa LAWMAKERS na amiyendahan o baguhin ang REPUBLIC ACT No. 9708 na nagpapahintulot sa promosyon ng ranggo ang sinumang pulis na may nabibinbing mga kaso sa PLEB at sa halip.., upang higit na mapalakas at maitama ang balance mechanism at para matanggal ang bugok sa uniformed enforcers ay hindi dapat ma-promote ang sinumang pulis na may pending administrative cases.

Bunsod nito ay binalaan ni QC MAYOR JOY BELMONTE ang lahat ng LAW ENFORCERS sa kanilang lungsod na magserbisyo ng tapat at ang mga tiwali ay magbago o tanggal sa serbisyo ang sasapitin nila.

“Sa pagganap ng tungkulin ng ating kapulisan, kaaakibat nito ang responsibilidad na tiyaking legal ang lahat ng pagkilos upang hindi tayo makagawa ng pinsala sa karapatan ng ating kapwa,” pagpupunto ni Belmonte.

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.