Advertisers

Advertisers

May mga sundalo nang tinurukan ng Covid vaccine?

0 359

Advertisers

SABI ni Presidente Rody “Digong” Duterte, may mga sundalo nang tinurukan ng China made Covid vaccine.

Hindi lang tinukoy o pinangalanan ni Digong, kahit ilan lang sana sa mga sundalo, ang mga tinurukan para sana makumpirma natin kung totoo ang inanunsyo niyang ito.

Kasi nga itong si Digong ay master na ang pagtatahi ng mga istorya, na kapag nabuking ay sasabihing joke lamang.



Ang itinurok daw na bakuna sa mga sundalo ay Sinopharm, na hindi manlang natin narinig kung dumaan sa trials o aprubado ba ito ng Food and Drugs Administration (FDA) at Health Technology Assessment Council (HTAC).

May balita ring nagkaroon na ng sekretong turukan ng bakuna sa Binondo. Pero todo deny ang mga Fil-Chinese nang imbestigahan ng mga awtoridad.

Depensa naman ng messenger ni Digong na si Harry Roque: Hindi pinagbabawal ng batas ang magpaturok ng hindi rehistrado. Ang bawal, aniya, ay ‘yung distribution at pagbebenta.

Well, kung totoo ngang may mga sundalo nang tinurukan ng Sinopharm, sana lumantad sila at magsalita. Para naman malaman natin kung anong pakiramdam nila matapos pasakan ng China made vaccine na ito.

At mas maige siguro kung itong mga tinurukan ay subukang tumabi sa isang Covid positive para makita natin kung mahahawaan pa sila o hindi na dahil vaccinated na sila. Tama ba ako, mga pare’t mare?



Ito namang beteranong journalist na si Philip Lustre ay nababahala. Baka raw mabaog ang mga sundalo na pinagpraktisan ng Sinopharm vaccine. Dapat, aniya, ay si Digong ang unang tinurukan nito dahil pinayagan niya ang vaccination sa mga militar kahit hindi pa rehistrado ang bakuna. Puede! Hehehe…

***

Nagrereklamo itong nagpapakilalang senior citizen mula sa Barangay 63 Zone 6 under Chairman Ruben Jacinto, Tondo, Manila.

Narito ang kanyang text: “Gandang hapon, Sir Joey. Tanong lang namin bakit po ‘yung Paymaya namin ‘di pa po namin nakukuha? Dalawa po kami ng asawa asawa ko. Tapos na po ang Pasko. Bakit ang mga kumuha ng SAP nakuha na? Kaming mga senior ‘di pa makakuha sa Paymaya. Pero ‘yung iba nakakuha naman. Anong nangyari? Sana po pakinggan naman ito ni Mayor Isko Moreno Domagoso. Botante rin po kami dito sa Brgy. 63, kay Chairman Rube Jacinto. – 09434060697

Senior, makabubuti na magsadya kayo sa tanggapan ng Office of Senior Citizen (OSCA) na pinamumunuan ni dating Konsehal Marjun Isidro. Check n’yo roon ang rekord, baka may problema.

Tungkol sa SAP, ‘yan ay sa DSWD, hindi sa LGU. Kaya ang tserman n’yo ang dapat mag-ayos n’yang SAP sa DSWD. Mismo!

***

Kinuwestyon ni netizen Boom Buencamino ang aksyon ng gobyerno sa pag-una sa mga sundalo sa Covid vaccine matapos ianunsyo ni Spox Roque na: “Huwag n’yo naman pong ipagkait sa mga sundalo kung nagkaroon sila ng proteksyon. Tanggapin nalang po natin na importante na iyong ating kasundaluhan, nagbabantay sa ating seguridad ay ligtas na sa covid nang magampanan nila ang kanilang trabaho.”

Tweet ni Buencamino: “Teh, inuna niyo ang vaccine para sa sundalo. Diba healthworkers ang nag-aalaga sa kalusugan at buhay sa panahon ng Covid? Eh kung magkasakit ang mga healthworkers paano na? At anong magiging trabaho ng mga sundalo, magbantay sa sementeryo? Leche!”

Sa ganang akin, ang mga sundalo ay malalakas ang immune system, hindi sila basta nakakapitan ng virus lalo’t hindi sila mahilig sa umpukan. Ang mas delikado ay ang healthworkers. Sila ang humaharap sa Covid postive. Sila ang unang dapat turukan ng vaccine, tapos ang seniors at PWDs. Mismo!