Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
SUPORTADO ni Raffy Tulfo ang pamosong businessman and former Mr. Gay World titlist na si Wilbert Tolentino.
Meron silang collab na inaabangan na. Potensyal na makahabol ang Wilbert Tolentino VLOGS sa dami ng subscribers nina Raffy Tulfo, Ivana Alawi, at Alex Gonzaga.
Wala pang dalawang buwan pero almost 300,000 subscribers na ang Wilbert Tolentino VLOGS sa Youtube. Achievement sa kanya ito bilang baguhan sa nasabing entertainment streaming app.
Tiyak na darami pa ‘yan pag pinalabas na ang pagsasama nila ni Raffy.
Samantala, namahagi rin si Wilbert nu’ng December 24 sa kanyang mga kafreshness subscriber sa YouTube for Noche Bola Raffle Bonanza.
Ang mga premyo ay 1 unit YAMAHA NMAX 155cc.,one Winner for 100,000 php CASH, two Winners for 50,000 php CASH, 3 units IPHONE 12 PROMAX 512GB, 2 units IPHONE 12 PROMAX 256GB, 500 Subscribers for 500 GCASH, 500 Subscribers for 400 GCASH, 500 Subscribers for 300 GCASH at 500 Subscribers for 200 GCASH.
Generous talaga si Sir Wil at maraming napasaya nu’ng kapaskuhan.
“Pinasok ko ang mundo bilang isang vlogger para bigyan ng kasiyahan at bonggang entertainment ang mga taong dumadaan sa anxiety at depression sa panahon ng pandemya,” lahad niya.
“Bilang isang critical COVID pneumonia severe with acute respiratory distress syndrome survivor, ang aking adhikain sa paggawa ng vlog ay patuloy na pagtulong sa ating mga kababayan tulad ng mga nasalanta ng bagyo at kalamidad. Ganoon din sa iba’t ibang komunidad na nagsa-suffer sa pandemya,” deklara pa ni Sir Wil.
Si Wilbert ay kilalang co-owner ng tatlong entertainment bars ( Apollo, Club 690, Farenheit).
May malaki rin siyang pasabog na event ‘pag bumalik sa normal ang lahat at may vaccine na.
Mago-organize siya ng THE PHILIPPINES INFLUENCER AWARDS 2021.