Parang mag-asawang sampal ang tinanggap ng Los Angeles Lakers bago mag-Pasko. Una ay hindi si Frank Vogel ang tinanghal na Coach of the Year sa NBA. Sa halip ay si Erik Spoelstra ng tinalo nilang Miami Heat ang pinagkalooban ng karangalan. Ibig bang sabhin nito ay mas mahusay ang Fil-American na mentor kaysa sa bench tactician ng LAL nitong nagdaang season? O mas napaboran lang ang ina ay Pinoy dahil mas mahina ang line-up ng kanyang koponan pero nadala niya sa finals? Nangyayari naman talaga na ang binibigyan ng pagkilala ay nagmumula sa talunan sa championship series. Naitawid kasi ni Spoelstra ang team niya sa kartadang 2-4 kahit pa inferior sa Lakers ang mga bata niya. Bukod diyan nagkaroon pa ng injury ang 2 starters niya. May ininda noon sina Bam Adebayo at Goran Dragic at kapwa nawala ng ilang game. Pero para kay Pepeng Kirat ay mas deserving si Vogel dahil unang taon lang nito sa prangkisa ay nahatid niya kaagad sa tagumpay. Mahirap din daw hawakan ang isang organisasyon na may tradisyon na winning team. Malakas nga naman ang pressure na mapantayan nila ang Boston sa dami ng tropeo sa liga nguni’t naisakatuparan nila. Pangalawang slap sa face ay dinaig sila ng karibal na Clippers sa laro sa opening night, 109-116. Gabi pa naman na homecourt nila ang Staples Center. Tapos ito rin ang araw na nakuha nila ang NBA ring bilang tanda ng pagkasungkit nila ng korona noong isang taon. Ang sama ng timing. Sinikap nilang makahabol sa malaking lamang nina Paul George at Kawhi Leonard at naitabla pa ang score kaso kinapos na sa dulo. Nais talaga nina George at Leonard na gumawa ng strong statement sa una pa nilang pagtutuos. Mabuti at nakabawi sina LeBron James sa ikalawang game. Tinambakan nila sina Luka Doncic at ang Dallas Mavericks, 138-115. *** Abangan sa ika-4 ng Enero ang pagbisita ng mag-amang sports journalist na sina Recah at Chino Trinidad sa OKS@DWBL 1242 khz. Matutunghayan din ang programang hatid sa atin ng Biofresh socks mula ika-4 hanggang ika-5 ng hapon sa Facebook Live at sa You Tube. Sa ika-18 na parehong buwan ay magiging panauhin natin ang kambal na manlalarong PWD na sina Jerome at Joshua Nelmida. Mga bulag ang mag-utol na para triathlete. Limitado ang ensayo nila ngayon dahil sa pandemya at sa kakulangan ng pondo, *** Mag-ingat sa bulaang propeta na nais maging lider ng ating bansa. Nasa unang round na ang propaganda machinery ng boksingerong-pulitiko. Superlative ang papuri sa kanya ng mga kinuhang swelduhan pero malayo sa katotohanan. Sa Kongreso at Senado nga palpak na, sa Palasyo pa!
Advertisers
Parang mag-asawang sampal ang tinanggap ng Los Angeles Lakers bago mag-Pasko.
Una ay hindi si Frank Vogel ang tinanghal na Coach of the Year sa NBA. Sa halip ay si Erik Spoelstra ng tinalo nilang Miami Heat ang pinagkalooban ng karangalan.
Ibig bang sabhin nito ay mas mahusay ang Fil-American na mentor kaysa sa bench tactician ng LAL nitong nagdaang season?
O mas napaboran lang ang ina ay Pinoy dahil mas mahina ang line-up ng kanyang koponan pero nadala niya sa finals?
Nangyayari naman talaga na ang binibigyan ng pagkilala ay nagmumula sa talunan sa championship series. Naitawid kasi ni Spoelstra ang team niya sa kartadang 2-4 kahit pa inferior sa Lakers ang mga bata niya. Bukod diyan nagkaroon pa ng injury ang 2 starters niya. May ininda noon sina Bam Adebayo at Goran Dragic at kapwa nawala ng ilang game.
Pero para kay Pepeng Kirat ay mas deserving si Vogel dahil unang taon lang nito sa prangkisa ay nahatid niya kaagad sa tagumpay. Mahirap din daw hawakan ang isang organisasyon na may tradisyon na winning team. Malakas nga naman ang pressure na mapantayan nila ang Boston sa dami ng tropeo sa liga nguni’t naisakatuparan nila.
Pangalawang slap sa face ay dinaig sila ng karibal na Clippers sa laro sa opening night, 109-116. Gabi pa naman na homecourt nila ang Staples Center. Tapos ito rin ang araw na nakuha nila ang NBA ring bilang tanda ng pagkasungkit nila ng korona noong isang taon. Ang sama ng timing. Sinikap nilang makahabol sa malaking lamang nina Paul George at Kawhi Leonard at naitabla pa ang score kaso kinapos na sa dulo. Nais talaga nina George at Leonard na gumawa ng strong statement sa una pa nilang pagtutuos.
Mabuti at nakabawi sina LeBron James sa ikalawang game. Tinambakan nila sina Luka Doncic at ang Dallas Mavericks, 138-115.
***
Abangan sa ika-4 ng Enero ang pagbisita ng mag-amang sports journalist na sina Recah at Chino Trinidad sa OKS@DWBL 1242 khz. Matutunghayan din ang programang hatid sa atin ng Biofresh socks mula ika-4 hanggang ika-5 ng hapon sa Facebook Live at sa You Tube.
Sa ika-18 na parehong buwan ay magiging panauhin natin ang kambal na manlalarong PWD na sina Jerome at Joshua Nelmida.
Mga bulag ang mag-utol na para triathlete. Limitado ang ensayo nila ngayon dahil sa pandemya at sa kakulangan ng pondo,
***
Mag-ingat sa bulaang propeta na nais maging lider ng ating bansa. Nasa unang round na ang propaganda machinery ng boksingerong-pulitiko. Superlative ang papuri sa kanya ng mga kinuhang swelduhan pero malayo sa katotohanan. Sa Kongreso at Senado nga palpak na, sa Palasyo pa!