Advertisers
Ni JOVI LLOZA
NAKATIKIM ng pamba-bash si Alfred Vargas sa mga netizen na solid na tagasuporta ng ABS-CBN.
Gusto pa pala raw mag-artista ni Alfred bukod sa pagiging pulitiko at ngayon nga ay may entry sa MMFF 2020.
Hindi raw maialis sa isip ng netizens na isa si Alfred na bumoto para ‘di mabigyan ng prangkisa ang Kapamilya network sa Kongreso.
Sa pagkakataon ito ay tinawag na walang utang na loob ang politician actor dagdag pa na hindi naman daw ito ganun kahusay umakting.
Ito na nga raw ang karma ni Alfred dahil halos lahat ng tagasuporta ng ABS-CBN ay binoykot ang movie niya.
Tila nangangamoy flop ang movie ni Alfred at ‘yan na nga raw ang curse sa kanya sa pagtutol nito na huwag mabigyan ng prangkisa ang nasabing himpilan.
Kahit sa nominasyon ay hindi rin ito kasali kahit deserving naman.
Humingi naman ng pasensya ang basher na pati mga kasamahan nito sa movie ay nadamay rin.
Yes, nadamay nga raw sina Iza Calzado at Shaina Magdayao na kasama nito sa movie sa pagka-flop dahil sa dami ng tagasuporta ng ABS-CBN ay sesemplang talaga ito ayon pa sa netizen.
Konsolasyon na lang din na nanalong best supporing actress si Shaina sa nabanggit na pelikula.
***
ANDREA TORRES MAY PASABOG SA SOCMED BAGO MATAPOS ANG 2020
BAGO pa man matapos ang taon ay may mga ginawang pasabog si Andrea Torres.
Happy ito dahil magtatapos ang taong 2020 ay may project ito na ginagawa sa GMA-7.
Kaya naman sa susunod na taon ay magiging abala at may pagtutuunan itong serye na may titulong Legal Wives.
Sa kabila na loveless ay may pasabog ito na pabikini photo.
Maraming na-amazed kay Andrea sa pagpo-post sa kanyang socmed account ng sexy photo.
Tiyak daw na maglalaway si Derek Ramsay sa kanyang picture na nakasuot lang ng violet two-piece.
Sa suot nga nitong bikini ay kitang-kita ang kariktan at kaseksihan ni Andrea na ayon sa netizens ay may pagsisisi raw tiyak si Derek sa pagkawala sa kanya ng ex-gf.
Moving on na nga si Andrea at tuluyan nang tinuldukan ang relasyon nila ni Derek.
Well, well, well…’Yun na!