Advertisers
BIGO ang madugong digmaan sa droga. Imbes na mawala ang ilegal na droga, mas lalo pang dumami. Pinatay ang ilang adik, lalo na iyong mga marurumi ang paa, pero hindi binalingan ang mga malalaking panginoon ng droga. Resulta: Mas lalong tumindi ang kalakalan sa ilegal ng droga. Mas masigasig at matapang ang mga pusher.
Upang mapagtakpan ang kawalan ng sustansiya at resulta ang madugo ngunit bigong giyera kontra droga, inilunsad mga tatlong buwan na ang nakakalipas ni Rodrigo Duterte ang kampanya kontra korapsyon. Layunin ni Duterte na madakip ang mga korap, dalhin sa hukuman, at bawasan ang malaganap na korapsyon sa kanyang gobyerno.
Ninombrahan ni Duterte si Menardo Guevarra, kalihim ng DoJ, bilang punong abala ng task force on corruption, isa sa halos 20 task force na binuo ni Duterte sa iba’t ibang larangan, 2019. Nagpasikat si Guevarra at nagsabing uunahin niya ang mga bigtime korap. Hanggang salita lang si Guevarra sapagkat wala siyang hinabol kahit isa.
Kung matapat si Guevarra sa sinumpaang tungkulin, hindi niya kailangan ang lumayo. Nariyan ang tambalang Alan Peter Cayetano at Abraham “Bambol” Tolentino, ang dalawang mambabatas ng kumontrol ng bilyon pisong pondo ng 2019 Southeast Asian Games (SEAG). Si Cayetano ang nasa likod ng Philippine SEA Organizing Committee (Phisgoc) at si Bambol ang pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC).
Pinamahalaan at pinatakbo ng Phisgoc, isang NGO, ang kontrobersiyal na sampung araw na 2019 SEAG. Ang POC ay isang NGO na may kapangyarihan na pumili atmagpadala ng mga Filipino atleta na sasali sa mga pandaigdigan palaro.
May problema sa salapi ng bayan ang tambalang Cayetano-Tolentino. Magkaibigan na matalik at magkaalyado sa pulitika. Ayon sa isang confidential report ng Commission on Audit, ang sangay ng gobyerno na may kapangyarihan na bigyang linaw (audit) ang salapi ng sambayanan sa mga proyektong bayan, hindi pa nagsumite ng liquidation report ang Phisgoc at POC.
Aabot sa kabuang halaga ng P2.767 bilyon ang ginugol ng Phisgoc at POC sa 2019 SEAG, ngunit hindi pa nagsumite ng ulat si Cayetano at Tolentino ng anumang ulat na nagpapaliwanag at nagbibigay linaw kung paano ginastos ang halaga.
Nagpadala ang mga state auditor ng mga demsnd lettersa Phisgoc upang ipaliwanag kung paano ginastos ang P2.2 bilyon na ibinigay ng gobyerno. Gayundin ang ginawa nila sa POC upang ipaliwanag ang paggasta sa P535 milyon. Hindi pinansin ng Phisgoc at POC ang mga demand letter ng CoA.
Lampas 13 buwan na ang nakalipas ng matapos ang 2019 SEAG. Binuksan ito noong ika-30 ng Nobyembre, 2019 at nagtapos noong ika-10 g Disyembre. Ayon sa auditing rules ng CoA, obligado magsumite ang Phisgoc ng kanilang ulat 60 araw pagkatapos ng palaro. Hindi nagsumite ang Phisgoc at ikinatwiran ang pandemya.
“[Financial assistance] released to Phisgoc and POC in 2019 in the total amount of P1,815,169,762.67 [and] P535,413,045.56, respectively … remained unliquidated as of year-end despite completion of the intended purpose,” ayon sa CoA sa isang ulat.
Wala poder ang CoA upang usigin sang sinuman na lumabag sa auditing rules ng CoA. Hindi bahagi ng mandando ng CoA ang magkaroon ng prosecutorial power. Ngumit may poder si Guevarra at ang task force niya. Ngunit mukhang untouchable si Cayetano at ang sidekick iyang si Bambol. Mistulang Batman at Robin pagdating sa kaban ng bayan.
***
NOONG Lunes na gabi, pinangalanan ng tila nababaliw na si Duterte ang mga mambabatas na kasangkot sa korapsyon sa gobyerno. Binasa ni Duterte ang mga mambabatas na nasa listahan umano ng Presidential Anti-Corruption Task Force. Ngunit nilinaw ni Duterte na “hindi guilty” ang mga pangalan na nasa listahan.
Nakapagtataka kung bakit binasa ni Duterte sa himpapawid ang kanilang pangalan gayong wala naman siyang isinasampang anumang sakdal laban sa kanila. Hindi niya rin inutusan ang PACC na maghabla sa kanila sa Office of the Ombudsman o anumang hukuman. May maganda kung hayagang isasakdal ang mga mambabatas.
Mukhang ipinahiya ng tila bangag na si Duterte ang mga mambabatas. Political harrassment, o panggigigipit. Hindi ito ang tamang paraan upang bakahin ang korapsyon sa kanyang gobyerno. Kung seryoso siya, mas maigi na sampahan ng sakdal ang sinuman na nagnanakaw sa kaban ng bayan. Iyan ang tamang digmaan sa korapsyon.
Ani Clift Daluz, isang netizen at mamamahayag:
“Para saan ang listahan ng mga mambabatas at mga opisyal ng DPWH na sangkot sa pangungurakot umano kahit walang ebidensya at batayan?
“1. Malapit na eleksyon. Kailangan manira at ipahiya ang kalaban
“2. May pinoproteksyunan na mas mataas na opisyal ng DPWH. Dati nang nabanggit na lantaran ang korapsyon sa ahensya
“3. May inilulubog na isyu at ito ang pinapalutang.”
Ayon sa premyadong mamamahayag na si Manny Mogato:
“Another of Rodrigo Duterte’s propaganda. Naming and shaming lawmakers who made a killing at government infrastructure projects without any basis. If he was really after these corrupt congressmen, why don’t he file cases in the anti-graft court and throw them n jail.
“It seemed he is not serious, he was naming them because they were not his trusted allies and it served as a distraction to a very serious violation of the law he had committed by allowing his soldiers inoculated with a Chinese-developed vaccines without FDA approval
It was also unfair to those people he had named because everyone knows almost all lawmakers have received kickbacks or commissions from government infrastructure projects whether as brokers or as contractors themselves.
“Why don’t he name his own allies who also got shares from these public projects. The president’s anti-corruption campaign is a farce. He only runs after small fishes and protects his own allies and recycle officials he had removed from corruption. Fact is the level of corruption under Duterte has went up based o surveys from international agencies, probably as high as in the days of the corrupt regimes of dictator Ferdinand Marcos and the discredited Gloria Macapagal Arroyo.”