Advertisers

Advertisers

Paulo inalay ang MMFF best actor trophy sa anak kay LJ

0 229

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA katatapos lang na 46th Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal na ginanap noong Linggo ng gabi, December 27, big winner ang Fan Girl mula sa Star Cinema.

Na-sweep ng nasabing pelikula ang Best Picture at Best Director para kay Antoinette Jadaone. Tawa nang tawa ang lady director sa pagkapanalo niya. Nagtatalon naman sa galak si Direk Dan Villegas, ang fiancé ni Direk Antoinette at isa sa producer ng Fan Girl. Bukod sa Best Director ay nasungkit din ni Direk Antoinette ang Best Screenplay.



Ang bida naman sa pelikula na si Charlie Dizon ang tinanghal na Best Actress. Sa kanyang acceptance speech, unang pinasalamatan ni Charlie ang Panginoon. Special mention niya si Iza Calzado, na nominadong Best Actress para sa Tagpuan, na siya umanong tulay para makilala siya nina Direk Antoinette.

Si Paulo Avelino na leading man ni Charlie, ang wagi naman bilang Best Actor. Sa kanyang acceptance speech, inalay niya ang award kay Aki na anak nila ng ex-girlfriend na si LJ Reyes.

Bukod sa five major awards, nakamit din ng Fan Girl ang apat pang parangal, ang Best Cinematography (Neil Daza), Best Editing (Benjamin Tolentino), Best Sound (Vincent Villa), at 3rd place bilang Best Virtual Float.

After winning, kinabukasan ay nagkaroon ng blog conference para kina Direk Antoinette, Paulo at Charlie. Kinuha ang reaksyon nila sa pagkapanalo ng Fan Girl bilang Best Picture.

Sabi ni Paulo, “Happy! Very happy ako para kay Direk Tonette at sa buong team. Kasi Best Picture yan  overall kasama na lahat diyan pati technical.”



Reaksyon naman ni Direk Antoinette, “Congrats to us! Thank you po sa MMFF juries.”

Si Charlie ay pinasalamatan din ang mga hurado. At sobrang saya niya lalo nang siya ang tanghaling Best Actress.

Sabi niya,”Sobrang saya ko siyempre sa lahat ng nangyayari sa akin. As in, eto ‘yung gusto kong mangyari talaga. Pero hindi ko ini-expect na ibibigay siya agad sa akin. Masaya ako siyempre kasi yung parents ko po, as in nu’ng pag uwi ko kagabi, actually katatapos pa lang nu’ng awards night nung tumawag sila agad sa akin pareho. First time kong narinig talaga na proud na proud sila kaya masayang masaya po ako.”

Napanood na ba niya?

“Hindi pa po,” natatawang sagot ni Charlie. “Kinakabahan po ako sa totoo lang. Sinasabi ko sa mommy ko na huwag niyang panoorin,” aniya pa na muling natatawa.

May mga intimates scenes kasi si Charlie with Paulo sa pelikula.