Advertisers

Advertisers

Happy New Year Kap Boyet ng San Carlos City, Pangasinan

0 419

Advertisers

Manigong Bagong Taon po sa pamosong kumpadreng putik ni San Carlos City Mayor JULIER ‘AYOY RESUELLO na si KAP BOYET.

Kamusta na po Kapitan Boyet?

Binabati po namin kayo Kap Boyet sa patuloy na pagyabong ng iyong negosyong pasugal diyan sa siyudad ng kumpare mong si Mayor Resuello.



Nakakatuwa at nakakaaliw ng lubos na pagmasdan at pagmalasin ang inyong puwesto pijo Kap Boyet diyan sa mismong Plaza ng Carlos City.

Patunay lamang po talaga kapitan na hindi ka pinababayaan ni Mayor Resuello.

Pati pala ang kapulisan ng nasabing lungsod ay patuloy na yumuyuko sa kamandag mo Kap Boyet.

Talaga pa lang super lakas ka Kap Boyert at bagyo sa inyong alkalde.

Kamusta rin pala sa pulis na nagngangalang PIDLAWAN na umano’y mas maasim pa kay San Carlos City Police Director,P/Lt.Col.Franklin Ortiz!



Tao raw ni Pangasinan Provincial Director, Col. Ronald Gayo itong si PIDLAWAN na umaaktong “kolektong” ni PD Gayo at Col. Ortiz.

May kabuuang 27 puwesto ng pasugal na “drop ball” itong si Kap Boyet na pati pangalan ni Usec. Martin Dino ng DILG ay mahilig i-name drop.

Grabe naman pala ang clout at tikas nitong si Kap Boyet, hanggang DILG ay may ipinagmamalaking padrino.

Ewan ko lamang kung kilala ba ito ng personal ng kaibigan nating si Usec. Dino?

Kilala natin si Usec. Dino at kailanman hinding hindi ito nakikipagkaibigan sa isang iligalista lalong lalo na sa mga katulad ni Kap Boyet na nasa linya ng “illegal gambling”!

Ewan ko nga lamang ba dito kay San Carlos Mayor Resuello kung bakit kinukunsinti ang isang kupaling gaya ni Kap Boyet!

Marapat lamang marahil malaman ni Sec. Eduardo Ano ng DILG ang mga pinaggagawang katarantaduhan nitong si Kap Boyet diyan sa San Carlos City.

Dapat din sigurong kastiguhin ni Sec. Ano hindi lamang itong kupal na KUPITAN Boyet kundi ang mismong city director ng San Carlos City Police na si Col. Ortiz pati na rin ang ipinagyayabang na kumpareng putik ni Kap Boyet na si Mayor Julier Resuello.

Imposible namang humawak ng palayok itong si Mayor Resuello pero hindi nauulingan!

Imposible ‘yun!

Kung ganitong namamayappag as in “untouchable” kay Mayor Resuello ang pasugal na ito ni Kap. Boyet na lantaran talaga,imposibleng walang pakinabang dito ang alkalde ng San Carlos City.

Pati nga si Col. Gayo ay ipinangongolekta din dito ni PIDLAWAN!

Magkano naman kaya ang weekly quota nitong pulis na si PIDLAWAN kay Col. Gayo!

Wala kasing gagong provincial director (PD) ang papayag na makaladkad sa katarantaduhan ang kanyang pangalan sa tong collection (payola) kung walang pakinabang!

Baka naman “tolonges lang talaga itong si Col. Gayo kaya ginagago nitong si PIDLAWAN at binubukulan!

Pero malabo ‘yun mga pare ko, aabot ka ba naman sa ranggong Lt. Colonel kung bobo o tolonges ka?

Hindi po ba?

May tahid na opisyal itong si Colonel Gayo pati itong si City Director Col. Ortiz para lamang mapaikutan ng isang pindehong PIDLAWAN.

So suma total, alam ng mga Diyos diyan sa San Carlos City, Pangasinan ang tungkol sa illegal gambling operations nitong kupal na si Kap Boyet.

Ika nga, timbrado ang bawat butas na dapat pasakan ng grasya.

Kaso n’yo, buking na hanggang sa main office ng DILG sa Quezon City ang mga kahindutang nakakapangyari diyan sa San Carlos na isa pa namang Premier City ng lalawigan ni Governor Amado Espino III.

Mga buwakang ina n’yo d’yan, bilang na maliligayang araw n’yo!

Pati ang pagiging adik na isang mataas na opisyal ng San City LGU ay binabantayan na rin!

May mga kasunod…

Abangan!!

***

PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com