Advertisers
Ito ang resulta sa isinagawang survey ng DEPARTMENT OF SCIENCE AND TECHNOLOGY’S FOOD AND NUTRITION RESEARCH INSTITUTE (DOST-FNRI) na 8 sa 10 sambahayan na may buntis at 7sa 10 sambahayan na may mga bata ang pinakaapektado sa COVID-19 pandemic on food insecurity kumpara sa mga sambahayang walang buntis o mga bata.
Sa isinagawa ng DOST-FNRI VIRTUAL PRESSER kamakalawa na ang tema ay “Food Security, Coping Mechanisms and Nutrition Services during the COVID-19 Pandemic” ay ipinunto ng RAPID NUTRITION ASSESSMENT SURVEY (RNAS) na ang napagtuunan ng priority concerns nitong pandemics and disasters ay employment, food security, food accessibility, access to health and nutrition program for children including pregnant women.
Bunsod nito ay naihayag ni DOST SECRETARY FORTUNATO DELA PEÑA na ang gayong mga priority concerns ay maaaring tumaas pa ang porsiyento ng nutrient deficiencies and undernutrition na magdudulot ng mga sakit na magpapahina sa resistensiya o immune system kaya madaling mahawa ng COVID-19 o iba pang mga viral infections.., na magreresulta sa malaking pagkakagastusan sa pagpapagamot, mawalan ng trabaho at ikabubuhay gayundin sa pagbagsak ng ekonomiya.
“The DOST’s call to action in terms of policy implication based on these results is that donations, government services and benefits must be decentralized from the Highly-Urbanized Cities (HUCs) and extended equitably to provinces with less resources and with minimal or no benefactors”, pagpupunto ni DELA PEÑA.
Inihayag naman ni DOST-FNRI CHIEF SCIENCE RESEARCH SPECIALIST, SCIENTIST II & RNAS PROJECT LEADER DR. IMELDA ANGELES-AGDEPPA na ang resulta ng RNAS ay makakaasiste sa POLICYMAKERS para higit na maunawaan ang epekto ng COVID-19 PANDEMIC sa FOOD AND NUTRITION SECURITY OF FILIPINOS at gabay sa REPROGRAMMING AND ENHANCING OF APPROPRIATE PROGRAMS.
Ang mga lugar na nasa kategoryang HIGH RISK ay ang PARAÑAQUE CITY, LAPULAPU CITY at PATEROS; ang MODERATE RISK ay PANGASINAN, SOUTHERN LEYTE at ZAMBOANGA CITY; at ang LOW RISK naman ay ang ANGELES CITY, GUIMARAS at SOUTH COTABATO.
Sa isinagawang survey ay nakapaloob dito ang porsiyento ng mga nakatanggap ng ayuda, mga nagkasakit na nakapagpadoktor at hindi nakapagpakonsulta dahil sa kawalan ng pera o malayo ang lugar ng pagamutan sa kani-kanilang mga bahay at ang mga buntis na hindi nakagamit ng bitamina at mineral supplements at iba pang naging sistema sa panahon nitong pandemya.
Ang ganitong mga survey na isinasagawa ng DOST ay malaking katulungan para maging gabay ng mga nangangasiwa sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno upang.mapaghandaan at maremedyuhan ang mga naging kakulangan para ang lahat ng mamamayan ay makaagapay sa mga pagsubok ngayong pandemya.
Ganunpaman, tila wala akong makitang sinserong pag-aasiste sa maikakategorya kong MOST HIGHLY RISKS SECTOR o ang mga pinakamahihirap na pami-pamilyang naninirahan sa mga lansangan o yung mga tinatawag na taong grasa.., sila nga ba ay talagang malalakas ang resistensiya o immune system at wala man lang (yata) ang nagka-covid sa kanila.., o lahat sila ay carrier na ng COVID-19 na hindi nalalaman ng mga eksperto dahil wala yatang maglaan man lang ng oras para suriin ang mga ito o ini-ignore na lang dahil walang pambayad ang mga ito sa anumang medikasyon?
Sa pananaw ng ARYA, anumang pagsusumigasig ng pamahalaan na malabanan ang pagkalat ng virus ay mawawalang saysay din..,, kung hindi didiskubrehin ang lagay-kalusugan ng mga taong grasa. Baka ang mga ito ay puro nagtataglay ng COVID-19 na hindi natin nalalaman dahil hinde pinapansin ng gobyerno e sayang lamang .., sana, pagmalasakitan ng gobyerno na suriin ang mga ito para kung carrier na ng covid-19 ang mga ito e makagawa ng solusyon ang gobyerno para tuluyang malusaw ang virus kahit walang vaccine, nang sa gayon ay makalaya na sa COMMUNITY QUARANTINE ang ating mamamayan!
HAPPY NEW YEAR MGA KA-ARYA!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.