Advertisers

Advertisers

Walang nakahulog ng bola

0 290

Advertisers

Iba’t ibang bakuna ang nailikha na upang paglabanan ang virus na nakamamatay na COVID-19. Ang problema natin lalo na ng buong bansa, ay saan sa mga bansang nakagawa na ng bakuna, tayo kukuha?

Kumalat nga ang balita na nagkaturuan pa ang ilan sa ating mga opisyal sa sablay na nangyari sa pakiki-pagugnayan sa isang malaking pharmaceutical na Pfizer para makapagdeliver sana ng 10 milyong bakuna sa susunod na buwan.

Nalaglag daw ang bola, ika nga, nang magkulang ang pamunuan ng Department of Health sa agaang pagtugon sa mga kinakailangang proseso upang makabili at mabigyan tayo ng nadiskubreng bakuna ng Pfizer.



Sa ating pagsilip sa pangyayari, hindi agad tayo nakapag-pasa ng kinakailangang Confidentiality Disclosure Agreement na itinatakda ng Pfizer para madeliver ang 10 milyong bakuna sa susunod na buwan.

Ngunit ang sabi naman ng ating Ambassador sa United States na si Jose Manuel “Babe” Romualdez na hindi pa tapos ang game,mat patuloy pa rin ang negosasyon sa pagitan ng bansa at Pfizer para sa bakuna sa COVID-19.

Ayon sa ambassador maari pang tumulak ang pagbili sa bakuna sa Hunyo 2021, base ito mismo sa sariling estima ng Pfizer.

Gaya sa larong basketball kapag nalaglag ang bola marami ang mag-aagawan dito. At tila nangyayari na rin ito sa isyu ng bakuna para sa ating mga kababayan. Kanya, kanya nang patutsada ang ibang opisyal ng pamahalaan, mapa-gabinete, senador atbp. Lahat ay gusto na namang maki-sawsaw.

Bakit di na lang tayo mag-isip pa ng ibang kaparaanan? Sa gitna ng krisis, kagipitan at pandemiya, hindi kailangan ang bangayan, turuan o sisihan. Kailangan ay sama-samang magiisip ng ikalultas ng problema – gaya ng bakuna.



Ayaw ni Pangulong Duterte ng ganyan, at di magandang makita ng bayan na nakalugmok na sa kahirapan na ang kanyang pamahalaan ay tila nawawalan na rin ng pag-asang masolusyunan ang suliranin ng lahat ng Filipino.

Tigilan na natin ang sisihan, tawirin natin ang daluyong ng mga agos ng suliranin, dahil iisang bangka lang tayo.