Advertisers
PATAY sa pananambang ang 62-anyos na dating barangay kapitan at bata ni ex-Gov. Ito Ynares at ngayon tauhan ng office of the mayor nitong Biyernes ng hapon sa Antipolo City.
Sa inisyal na ulat, kinilala ang biktima na si Oscar Tamayao y Tangilin, 62 anyos dating kapitan ng Barangay Sta. Cruz sa lungsod at dikit na bata ng dating gobernador at kasalukuyang empleyado sa office of the city mayor ng Antipolo nakatira sa Sitio Gumamela 2 sa nabanggit na barangay.
Base sa testimonya ng testigo dakong 1:40 ng hapon Jan. 2 ng I-ambush si Tamayao ng 2 lalake na sakay ng motorsiklo sa Olalia Road, kanto ng Sumulong Highway Brgy., Sta. Cruz sa lungsod.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, sakay ang biktima ng kanyang Toyota HI-ace na may plakang NCO-6200 ng tabihan ito ng isang motorsiklo sakay ang 2 katao o riding in tandem sa driver side at biglang bumunot ang backrider saka pinagbabaril ang dating kapitan.
Naisugod pa sa Assumption Hospital ang biktima ngunit binawian din ito ng buhay na agad nitong ikinasawi sanhi umano ng mga tinamong tama ng bala ng baril sa ulo at katawan.
Tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo patungo sa bahagi ng Sumulong Highway patungo sa Masinag Antipolo.
Nagsasagawa na ng drug net operation o mga checkpoint ang Antipolo PNP para maaresto ang mga suspek.(Edwin Moreno)