Advertisers
UMAKYAT na sa 476,916 ang bilang ng kaso ng Covid-19 sa bansa nitong Sabado, Enero 2, dahil sa karagdagang bagong 1,097 na mga kaso.
Ang mga nakarekober naman sakit ay umakyat na sa 439,942 matapos madagdagan pa ng 47 recoveries.
Lima naman ang nadagdag sa mga pumanaw kaya umabot na rin ito sa kabuuang bilang na 9,253.
Habang ang aktibong kaso ayon sa DOH ay nasa 27,721.00p my
Ang Davao del Norte naman ang nanguna sa mga lugar na may mataas na naitalang kaso ngayong araw na mayroong 65 kaso.
Nasa 60 kaso naman ang naitala sa Davao City.
Sa Laguna naman ay 53 habang 48 sa Batangas at 43 sa Cavite.
Ayon sa DOH, 15 laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos dahil sa pansamanatalang unavailability ng Covid-19 Document Repository Sysytem nitong January 1. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)