Advertisers
Naaresto ng operatiba ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) ang isang ambulance driver na iniuugnay sa nakakulong na drug suspect na si Wesley Chua.
Batay sa PNP, kinilala ang naarestong 43-anyos na si Rodney Delfino kasama rin ang kinilalang sina Edgar Quiachon at Jamel Tabasa.
Nasabat ang nasa P2.2 milyong halaga ng shabu sa ikinasang operasyon.