Advertisers
NAGDADALAMHATI ngayon ang alkalde ng Tapaz, Capiz matapos ang nangyaring sunud-sunod na pagsilbi ng search warrant ng mga otoridad na nauwi sa madugong operasyon nitoong Disyembre 30 sa Roxas City.
Ito ang pahayag ni Mayor Roberto Palomar.
Ayon kay Palomar, nakikisimpatiya siya sa mga residente na nawalan ng mahal sa buhay sa nangyari.
Nangako ang alkalde na tutulungan at bibigyan niya ng ayuda ang naiwang mga pamilya ng mga namatay na indibidwal.
Aniya, magsasagawa rin ito ng imbestigasyon sa nangyari para panagutin ang dapat managot.
Naiindtihan rin nito ang mga residente na na-trauma sa mga pulis at mga militar matapos ang nangyari.
Pero naniniwala si Palomar na hindi gagawin ng mga otoridad na pumatay ng mga inosenteng indibidwal.
Nakatakdang kausapin ni Palomar sa kanyang pag-uwi sa lalawigan mula sa Metro Manila ang mga taong nasa evacuation center matapos lumikas dahil sa pangamba na mangyari muli sa kanila ang nangyari sa kanilang pamilya.