Bisperas ng Pasko pa naman… Claudine tsinika ng bespreng abogado na naputulan ng kuryente; Glaiza tiniyak na sa Pinas ikakasal sa Irish fiance
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
NAG-post na nga sa kanyang IG account ang Kapuso actress na si Glaiza De Castro na engaged na siya sa kanyang Irish boyfriend na si David Rainey na sa Ireland isinagawa ang marriage proposal.
December 24 ng umaga, Christmas Eve naganap ang nasabing proposal.
Ipinaalam daw ni David ang plano nitong proposal sa pamilya ng actress.
May mga sitsit na baka next year na ang kasalang Glaiza at David.
Pinabulaanan naman ni Glaiza na sa 2021 na ang kasal nila ng fiance. May mga upcoming projects pa raw si Glaiza bago pa man ito lumagay sa tahimik.
Nilinaw din ni Glaiza na hindi sila sa ibang bansa ikakasal kundi rito anya sa bansa para masaksihan ng malalapit nilang kaibigan at kaanak.
Simple lang at hindi ito magarbong kasalan sabi pa ni Glaiza.
***
MARAMI ang nalungkot na mga netizen sa balitang naputulan ng kuryente si Claudine Barretto.
Tsika ito ng abogado ni Claudine na si Atty. Ferdie Topacio sa programang Take It Per Minute nina Cristy Fermin, Lolit Solis at Mr. Fu.
Ayon sa isang host, napakalaki raw kasi ng bahay ni Claudine at maraming kuryenteng nagagamit.
Sabat naman ng isang host na bilog talaga ang mundo at ‘di raw niya sukat akalain na mangyayari ito kay Claudine.
Naawa naman ang netizens dahil mismong bisperas ng Pasko ay walang kuryente sa bahay si Claudine.
Kaya tumuloy na lang daw ito sa inang si Inday Barretto para doon magpalipas ng Pasko.
Marami pa rin ngang netizens ang hindi makapaniwala na naputulan ng kuryente si Claudine.
Hindi naman idinetalye kung magkano ang pagkakautang ni Claudine sa Meralco.
Pero sa yaman naman ng kanyang Ate Gretchen ay chicken feed lang daw ito at carry na bayaran.
Samantala, tuloy pa rin nga raw ang paghingi ng sustento ni Claudine sa ex husband na si Raymart Santiago.
Mababa na nga raw ang 100k na hinihingi ni Claudine na sustento para sa mga anak.
Hindi ba kaya ni Raymart ang 100k samantalang makikita sa post na bumili ito ng motor na BMW ayon pa sa abogado ng aktres.
Well, well, well…’Yun na!