Bye showbiz na… Andre susunod na rin sa yapak ni Papa Benjie at utol na si Kobe na basketball player
Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
NAGLABAS ng listahan ang Pangulong Duterte sa mga mambabatas na sangkot sa katiwalaan.
Sa ibinunyag niya, kasama ang pangalan ng actor at Quezon City 5th District Representative na si Alfred Vargas na may MMFF entry na “Tagpuan.”
Mariin namang pinabulaanan ni Alfred na isa siyang corrupt public servant.
Ilan pa sa tinumbok ni Digong sa kanyang listahan sina Occidental Mindoro Rep. Josephine Sato, Former Ifugao Rep. Teodoro Baguilat Jr., Misamis Occidental 2nd District Rep. Henry Oaminal, Isabela 4th District Rep. Alyssa Sheena P. Tan, Northern Samar 1st District Rep. Paul Daza, Quezon 4th District Rep. Angelina Helen Tan, ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap at Bataan 1st District Rep. Geraldine Roman.
***
SA pagpasok ng bagong taon, gusto nang mag-iba ng linya ni Andre Paras dahil pormal na siyang nag-apply sa 2021 Rookie Draft para sa PBA.
Ayon sa balita, nagsumite na ng requirements ang Kapuso actor.
Bago pa man pumasok sa showbiz, dati nang naglalaro sa UP Fighting Maroons a UAAP Season 76 si Andre.
Pagkatapos ng isang taon, lumipat siya sa San Beda Red Lions para sa NCCA.
Huli siyang naglaro sa 2019 PBA D-League Foundation Cup.
Si Andre ay anak ng beteranong basketbolista at komedyanteng si Benjie Paras at kapatid ni Kobe na isa ring UAAP basketball player.