Advertisers

Advertisers

Mas tahimik kasi kesa Manila… Megan type na magka-baby, inaya ang mister na si Mikael na lumipat ng Subic; Sheryl nahiyang sa bagets na dyowang si Jeric

0 317

Advertisers

I

Ni WALLY PERALTA

MULI na ngang magbabalik sa ere ang “Magkaagaw” na pinagbibidahan nina Sunshine Dizon, Sheryl Cruz, Klea Pineda at Jeric Gonzales.



Bago pa man mawala sa ere sanhi ng pandemya ay nasubaybayan na ng viewing public ang mga banggaan nina Sunshine at Klea laban kay Sheryl, ang maiinit na eksena nina Jeric at Sheryl na kahit pa sabihin na malaki ang agwat ng edad ni Sheryl kay Jeric ay natatawid naman ang sexy scenes nila, as in one hot momma talaga si Sheryl sa kanilang maiinit na eksena ng young hunk actor.

At sa pagbabalik nga sa ere ng “Magkaagaw” ay tila may pasaring si Sheryl sa mga eksenang sadyang aabangan. Ang unang pasabog ay ang bath tub scene nila ni Jeric na sasabayan pa ng rambulan nina Sheryl at Klea.

Mas lalo pa nga raw titindi ang rambulan nila ng young actress at maging ang ‘bugbugan’ nila ni Sunhine na ina ni Klea sa naturang serye.

But wait there’s more, tila hiyang na si Sheryl sa kasariwaan at kamachuhan ni Jeric, dahil buong pagmamalaking isinaad pa ng actress na marami pa raw kagulat-gulat na daring scenes na magaganap sa kanila ni Jeric.

Kung pagbabasehan talaga ang mga hot scenes nina Sheryl at Jeric, masasabi talagang walang ilangan na sa pagitan nila kaya marami tuloy ang naghihinalang may something nga sa dalawa.



***

SUBIC here we come na nga ba ang drama ngayon ng mag-asawang sina Mikael Daez at Megan Young?

Hindi na nga tinatago pa ni Megan ang kanyang kagustuhan na lumipat na sila ng tirahan ng mister mula sa Metro Manila ay sa Subic na nais ng aktres na manirahan sila na sinang-ayunan naman ni Mikael.

Inihayag ni Megan sa kanilang #BehindRelationshipGoals podcast ang tungkol sa binabalak nilang paglipat sa Subic.

Bagama’t feel ni Megan na sa Subic na manirahan ay nandun pa rin  ang agam-agam kung sure na nga ba sa siya sa sarili sa planong ito o hindi pa. ‘Ika nga ng beauty queen-actress, nasa test run pa nga raw silang mag-asawa sa bagong uupahang bahay.

At nitong nakaraang holiday season ay doon nag-celebrate ng Kapaskuhan ang mag-asawa.

Isa pa sa dahilan kaya nais ni Megan na magpakalayu-layo muna sa Metro Manila ay para magkaroon ng quality time silang mag-asawa at makapag-ehersiyo araw-araw na bihira nilang magawa sa Metro Manila.

May nagsasabing isa rin daw sa plano ng mag-asawa ay ang mabigyan ng panahon ang pagbuo nila ng pamilya, as in pagbubuntis ni Megan, at sa palagay nito ay mangyayari lang ito kung lalayo sila sa Metro Manila.