Advertisers
Ni JULIET Q. PACOT
KASABAY ng pagpasok ng taong 2021, gumulat sa publiko ang naging rebelasyon ng aktres na si Meryll Soriano na may bagong apo sa kanya ang noontime host-comedian na si Willie Revillame.
Kamakalawa ng gabi, Enero 2, 2021, nag-upload si Meryll ng dalawang larawan niya kasama ang ama at ang kanyang bagong supling.
Sa caption ng aktres, halatang masaya ito at ibinuyangyang ang pagpapakilala ng bagong baby sa kanyang lolo, “With Lolo.”
Ang bagong baby ni Meryll ay anak nila ng nakabalikang nobyo na si Joem Bascon, 34.
Ibinahagi ni Meryll sa kanyang Instagram nitong Bagong Taon, January 1, 2021 na nanumbalik ang naudlot nilang relasyon noon ni Joem.
Nagbunga pa ito ng isang malusog na sanggol pero hindi na niya idinetalye kung ano ang kasarian nito.
Buong caption ni Meryll, “2021! May this year be kinder to us all.
“May we all find peace, joy and love.
“New year, new hopes, new positive outcomes.
“Happy New Year from our family to yours!”
Magugunitang November 2019 pumutok ang isyung nagkahiwalay si Joem at ang kinakasama nitong sikat na vlogger na si Crisha Uy na walong taon nagsama sa iisang bubong.
Inamin noon ni Joem na nasaktan siya sa paghihiwalay nila ni Crisha.
At dito na nga umugong ang balitang nagkabalikan sila ni Meryll na kasama pa raw si Joem sa New Year’s lunch ng pamilya ng aktres.