Advertisers

Advertisers

Panahon na ng politika…

0 340

Advertisers

SIYAM na buwan nalang… maghahain na ng kandidatura ang mga kakasa sa 2022 Presidential derby.

Noon, ang 16 buwan bago ang halalan ay napakaiksi na para sa mga gusto tumakbong pangulo ng Pilipinas.

Pero dahil popularity contest na ngayon ang eleksyon sa bansa, hindi na kailangan mangampanya ng maaga ng mga sikat na nagbabalak maging lider ng bansa.



Kaya lang ang paghalal ng popular candidate ay disastrous sa bansa. Sablay ang pamamahala! Dahil umaasa nalang sa mga consultant na karamihan ay may mga personal na interest.

Tulad lamang sa past administration ni Noynoy Aquino (2010 – 2016) at nitong patapos na gobyerno ni Duterte (2016 – 2022), pareho silang nahalal sila “by accident” kaya nagdusa o nagdurusa ngayon ang maraming Pinoy. Tanging ang mga nakapaligid lang sa kanila ang sumarap ang buhay. Mismo!

Si Noynoy na walang balak tumakbo noon sa pagkapangulo ay naging presidente nang pumanaw ang kanyang ina (Cory) na dati ring presidente, kungsaan nakisimpatya rito ang karamihan sa mga Filipino.

Tulad ni Noynoy, last minute rin ng nag-file ng kanyang candidacy si Rody Duterte. Pinalitan niya ang kanyang kapartido na si Martin Diño na nagwidro ng kandidatura na obviously ay strategy nila iyon para makakuha ng simpatya ng masa at nang mabasang nakalalamang sila sa pag-file ng maraming nagbalak mag-presidente noong 2016 election.

Lima ang malakas na presidentiables noong 2016 – Miriam Defensor-Santiago, Jojo Binay, Mar Roxas, Grace Poe at Duterte.



Dahil nakuha ni Duterte ang suporta ng mga kaaway ng Aquino na mapepera at may balwarteng politiko tulad nina ex-Pres. Gloria M. Arroyo ng Pampanga, Marcos ng solid Ilocos plus majority ng Mindanao at ilang bahagi ng Visayas, nakakolekta ng higit 16 milyon boto out of almost 60 million registered voters si Duterte.

So far, mukhang magkakawatak-watak ang mga sumuporta noon kay Duterte. Mukhang maglalaban-laban na ang mga ito.

Yes! Kung ang anak ni Duterte na si Sara ang iendorso niyang presidentiable at kakasa rin sina Marcos at Pacquiao, malaki ang mawawalang boto sa Duterte. Magkakaroon ng malaking tsansa si VP Leni Robredo na posibleng suportahan ng mga ‘di bumuto noon kay Duterte. Puede!

Si Robredo tulad nina Aquino at Duterte ay “by accident” rin ang pagpasok sa politika. Pinilit lang siyang tumakbo nang ma-kita ang milyones na nakisimpatya sa pagpanaw ng kanyang mister na si Jesse na noo’y DILG Secretary ni Noynoy.

Bukod kina Sara, Robredo, Pacquiao at Marcos, matunog din ang pagtakbo ng bilyonaryong negosyante na si Ramon Ang, ang tserman ng SMC, Petron at malaking construction firm na nakakuha ng mga bilyon bilyong kontrata sa gobyerno.

Asahang hindi basta isusuko ni Duterte ang pamumuno sa Pilipinas. Tiyak na mag-iendorso siya ng winnable Presidentiable para hindi niya sapitin ang sinapit ni GMA lalo’t may kinakaharap siyang kaso sa International Criminal Court (ICC) about human rights violations.

Sigurado ring magtutulong-tulong ang mga may-ari ng malalaking kompanya na nagdanas ng grabeng harassments kay Duterte. Pati mga militante at mga rebelde na dating sumuporta kay Duterte ay kalaban niya na. Malaking kawalan ito kay Sara saka-ling siya nga ang isulong ng kanyang erpat.

Sa nabanggit na presidentiables, pinaka-popular ang 8-division world boxing champion turned politician na Pacquiao. Bukod sa kanyang kasikatan, may sariling pera ito na panggastos. Hindi niya narin kailangan mag-ikot pa, umakyat lang siya sa boxing ring at magpabagsak ng kalaban ay tiyak na iboboto siya ng masa. Ito ang lamang ni Pacquiao sa lahat ng presidentiables.

Ang maipipintas lang kay Pacquiao ay ang pagpatakbo ng bansa. Batid natin kapos siya sa edukasyon. Aasa lang siya sa consultants. ‘Yun lang!