Advertisers

Advertisers

Walang bakuna?

0 912

Advertisers

ODIONGAN, ROMBLON – NAKABITIN pa kung magkakaroon ng pambansang bakunang bayan ngayong taon kung saan isasailalim ni Rodrigo Duterte ang bawat mamamayan sa libreng bakuna kontra Covid-19. Walang pera ang gobyerno ni Duterte. Kasalukuyan pa itong nangungutang ng $300 milyon (P15 trilyon) sa World Bank para sa pambansang bakunang bayan.

Wala pang kasiguruhan kung makukuha ng Filipinas ang buong halaga. Ayon sa nalathalang opisyal na pahayag ng World Bank, tatalakayin sa ikalawang quarter ng 2021 ang hiling ng Filipinas. Dahil sa pagkakaantala ng proseso sa pag-apruba sa pangungutang, hindi pa malaman kung may sapat na pondo sa bakunang bayan.

Pinayuhan ng World Bank ang gobyerno ni Duterte na gamitin muna ang $25- $30 milyon (P1.5 trilyon) na naunang inaprubahan ng World Bank. Bahagi ang halaga ng $100 milyon (P5 trilyon) na Covid-19 emergency response loan na hiningi ng gobyerno ni Duterte at ibinigay ng World Bank noong Abril.



Nakakagulat ang lakas ng loob ng gobyerno ni Duterte na mangutang ng todo-todo mula sa World Bank. Hindi nito alintana ang mga panganib na kasasadlakan ng bansa sa sandaling mangutang ito ng labis-labis. Binabayaran ang mga utang. Hindi ito ipinamimigay lamang. Kakambal ng malaking utang ang responsibilidad na magbayad.

***

ANO ba talaga ang problema at kailangan mangutang ng todo-todo? Wala talagang salapi ang bayan upang harapin ang pandemya. Hindi naman marunong maghanda ang gobyerno ni Duterte sa anumang krsis. Imbes na harapin, pilit na tinatakasan ni Duterte ang anumang krisis. Nawawala siya sa gitna ng krisis.

Masisilip ang kawalan ng pondo ng gobyerno sa pambansang budget para sa 2021. Ayon kay Ding Velasco, isang netizen, may inilaan na P72.5 bilyon ang pambansang budget na P4.51 trilyon para sa taong ito upang ipambili ng bakuna kontra Covid-19. Ngunit P2.5 bilyon lamang ang may pondo. Ito ang tinatawag na “programmed expenditures.”

Ang nakakagulat ay sumasailalim sa kategoryang “unprogrammed expenditures” ang natitirang P70 bilyon. Kasama sa P4.51 trilyon na pambansang budget, ngunit walang pondo. Magagamit lamang ang P70-B kung makakolekta ng malaking buwis o kung makakautang sa ibang bansa. Balewala ang inilaan kung walang makolektang dagdag na buwis o walang mautang.



Sa interpretasyon ni Ding, nabasa ng mga alkalde ng ilang siyudad at gobernador ng ilang lalawigan na walang sapat na salapi ang national government para pangatawanan ang isang pambansang bakunang bayan. Ito ang dahilan kaya nagboluntaryo silang pangunahan ang sariling bakunang bayan sa kanilang nasasakupan.

Ito rin ang dahilan kung bakit nagkaroon ng black market sa bakuna. Lihim na ipinupuslit ang bakuna kahit wala pa itong approval sa bansang pinanggalingan o kahit hindi aprubado sa FDA at DoH. May mga klinika na palihim na nagbabakuna sa mga masalaping mamamayan.

Walang pahayag si Duterte kung ang national government ang gugugol sa pambansang bakunang bayan. Hanggang ngayon, hindi malaman kung magkakaroon ng bakunang bayan sa lebel ng nasyonal o lokal. Walang ibinababang alituntunin ang gobyerno. Sa maikli, walang malinaw na polisiya si Duterte pagdating sa usapin ng bakunang bayan.

***

ISA si Ding Velasco sa mga hinahangahan namin na netizen. Diretso, matapat, at malalim ang tingin sa mga usapin. Pakibasa ang isang sanaysay na isinulat niya tungkol sa isyu ng korapsyon.

PAKULO

Simula ng umupo si Rodrigo, karamihan sa mga “gulpe de gulat” na pronouncements nya ay mga “pakulo” lamang para ikabunyi ng mga DDS at TaBoGo; pero hindi ito legal at di maaaring i-implement. Tulad daw kamo ng mga “corruption dossiers” na compiled ni Belgica ng PACC sa iilang Congresista. Bakit pakulo?

Una, ung mga imbestigasyon ng PACC ay epektib at covered lamang ay ung mga Presidential Appointees ni Duterte na Co-terminus nya – hindi covered ng PACC ung lahat ng Elected Officials at yung naging Permanente sa Gobierno dahil sa Civil Service Rules – dahil ang lahat ng ito ay covered ng Ombudsman.

Kaya biglang bawi si Rodrigo na “hindi raw nila kakasuhan ung mga inimbestiga ni Belgica” kahit binanggit nya na ang mga pangalan, kasi nga kung i-file nilang kaso sa Ombudsman ung mga “findings” ni Belgica – itatapon lamang ito ng Ombudsman sa basura dahil “ultra vires” o “beyond the authority” ng PACC ang pagkaso sa mga elected officials.

Pangalawa, kung masinsinan ang imbestigasyon sa Kamara, bakit hindi nasama si Pantaleon Alvares na nabulgar na bumili ng 17 piraso ng mga ‘beach front properties” sa Siargao Island na nagkakahalaga ng sobra kalahating Bilyon nuong 2017?

Sa mga Appointees naman ni Rodrigo na nagkamal bigla ng Bilyon na mga properties tulad ni Sandra Cam simula ng ma-appoint ito sa PCSO – bakit hindi imbestigahan ng PACC na legal na nasa purview ng kapangyarihan nila?

Si Harry Roque at ang asawa nito na nagkaroon ng P25 Bilyon na investment sa isang big-time resort sa Clark Field, bakit hindi imbestigahan ng PACC?

So, wala naman talagang seryoso na pag-imbestiga ng katiwalian si Rodrigo – kundi lahat lamang “pakulo” … dahil kung seryoso sya, dapat he should lead by example. Unahin nyang linisin ung buhay nya by signing a General Bank Waiver at i-publish nya ung SALN nya from 2016, 2017, 2018, 2019 para maipakita nya sa Madla na sya, bilang namumuno ay talagang hindi corrupt, malinis at maaring gawing uliran ng Bayan sa usaping Korapsyon.

Marami pang ilalabas ng mga ‘imbestigasyon’ si Rodrigo – pero kungdi ‘pautot’, malamang “pakulo” na naman.

Kaya last year nung tina-target ng PACC si VP Leni, pinagtatawan lang sila ni Atty. Barry Gutierrez kasi nga “pakulo lang at moro-moro ung mga alegasyon” at nungka hindi sakop ng PACC ang sinumang elected official, lalo na ung Bise Presidente

***

MGA PILING SALITA: “The first quarter of every year is always crucial. Just take a little peep in our national history and one would find that some great milestones happened in the first quarter of the year. The two EDSAs (EDSA 1 and EDSA 2), two great political upheavals, happened in the first quarter of 1986 and 2001 respectively. The rise of student activism, or the so-called First Quarter Storm of 1970, is another milestone. The alleged ratification of the 1973 Constitution, the martial law blueprint, and the genuine ratification of the 1987 Constitution, also took place in the first quarter of 1973 and 1987 respectively. In brief, crucial decisions and developments took place in the first quarter of the year. Probably the reason lies in the weather condition of the first three months of the year. The weather is cooler; there is less rain and humidity. The human intellect operates in full capacity, in short. Everything is conducive for every political upheaval.” – PL, netizen