Advertisers
Malakas ang ugong na sa mga darating na araw or if I’m not mistaken, kagabi (January 4, 2021) sa kanyang regular Monday People’s address, ihahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatalaga kay former PNP Chief, retired General Camilo Cascolan bilang bagong commissioner ng Bureau of Customs.
Si General Cascolan, nickname Pikoy ay miyembro ng pamosong PMA Sinagtala Class of 1986.
Classmate ni Cascolan ang tatlo sa mga naging hepe ng pambansang kapulisan na sina Senator Ronald “Bato” dela Rosa, Generals Oscar Albayalde at Archie Gamboa.
Pero paano na ang nakaupong BOC Commissioner na si Rey Leonardo ‘Jagger’ Guerrero na appointtee rin ng Pangulong Duterte?
Mukhang desidido na ang Pangulong Duterte na pagpahingahin si Guerrero sa Bureau of Customs (BOC) at ipalit si Cascolan na masugid na isinusulong ang appointment ng mga tinaguriang Duterte boys na nakapaligid sa Pangulo.
Pabor ang inyong lingkod dito kay Cascolan na talagang isang smooth at effective operator pagdating sa mga piling misyon at trabaho.
Isa nga sa nagbubulong sa Pangulong Duterte na ilagay sa BOC si Cascolan ay ang PMA Sinagtala Class 86 na isa nga dito ay si Senator Bato dela Rosa.
Pero ang pinakamalakas na puwersa sa likod ni Cascolan na maupo bilang bagong Customs Commissioner ayon pa sa ating mga sources ay si Senator Bong Go.
Mukhang may nagawang palpak itong si Guerrero na naka-offend sa ilang mala-Panginoong amo diyan sa Palasyo ng Malacanang kaya nanganganib na masibak.
Worst, tila ang tinaguriang Davao group ang nagnanais na masibak itong si Guerrero na naluklok sa Customs bilang commissioner noong October 2018 kapalit ni Isidro Lapena after the famous “magnetic lifter” drug smuggling scandal.
Hindi rin umano naging epektibo si Guerrero sa BOC gaya ng inaasahan sa kanya ng Pangulong Duterte.
Tila marami sa mga ports ng bansa ang hindi nakuha sa tamang oras ang target na revenue collections.
May mga nagsasabi rin na may mga paboritong opisyal si Jagger na nakaka-demoralized sa iba pang opisyal at empleyado ng Aduana.
Whatever the reasons behind, sigurado tayo it boils down sa usapan sa “pera-pera” issue at power struggle sa bakuran ng BOC sa pagitan ng malalapit na kamag-anak, kaibigan at political allies ng Pangulong Digong.
May sitsit pang sa kasalukuyang pandemya at papalapit na presidential elections sa 2022, malaki ang pondong kailangan ng administrasyon na ang bulto ay inaasahan at inaasam na magmumula sa Bureau of Customs.
Kung hindi man kagabi (January 4) inihayag ng Pangulo ang appointment ni Cascolan bilang bagong Commissioner ng BOC, nakatitiyak ang mga sources natin na mangyayari ito sa lalong madaling panahon.
Ang pinag-iisipan na lamang umano ay paanong mapagkakalooban ng “graceful exit” mula sa Aduana itong si Jagger Guerrero na kaibigan din ng Pangulong Duterte.
Nasa unang linggo pa lamang tayo ng taong 2021, eto na at may pagbabagong malaki na inaasahan sa BOC.
Hindi lamang umano sa Customs magkakaroon ng malaking balasahan kundi sa bakuran din ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na pinasok na rin umano ng Mafia ng mga artiista na nakikialaman sa mga gawin ng DPWH.
Umiiyak na rin umano itong si Sec. Mark Villar sa dami ng mga power brokers na pumapasok at nanghaharbat ng mga kontrata sa kanyang tanggapan.
More on these issues sa susunod nating pagbanat.
May kasunod…
ABANGAN!
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com