Puro chaka ang pelikula… Nadine ‘di masisisi sa paglayas sa Viva; MMFF entry ni Paulo kumita dahil sa pekeng nota
Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
NANG lumabas ang pelikulang ‘Fan Girl,’ isa sa entry sa MMFF 2020, agad nag-trending ang ipinakitang ‘nota’ rito ni Paulo Avelino. Maraming netizen ang agad na nag-react at nag-trending number 1 ito sa Twitter.
Makikita kasi sa video ang eksena na umiihi si Paulo at nakita ang nota nito. Nagulat ang mga netizen at sinabing napakalaki umano ng nota ng aktor.
Ngunit matapos mag-trending, nag-post ang isang prosthetic makeup artist ng ABS-CBN na si Barbie Rothschild, at ipinakita na peke ang nota na ipinakita sa pelikula.
Isa sa dahilan kung bakit pinanood ang Fan Girl dahil gustong makita ng tao, lalo na ng mga bading, ang nota ni Paulo. Yun pala ay peke lang ito Hahaha!
***
SIGURADONG magiging happy ang mga tagahanga nina James Reid at Nadine Lustre kung totoong nagkabalikan na sila. Pero totoo nga bang nagkabalikan na ang dalawa gaya ng claim ng isang malapit sa kanila?
Sana ay manggaling mismo sa bibig nina James at Nadine na they’re playing sweet music together again para talagang matuwa ang mga nagmamahal sa kanila especially nga ang kanilang avid supporters.
Noong mag-break sila ay umaasa pa rin ang mga ito sa pagbabalikan nila. Pero kung talagang sila na ulit, malabo namang magkabalikan sila o magkasama muli sa isang pelikula o proyekto.
Dapat maayos muna ni Nadine ang problema o gusot niya sa Viva. Hindi magagawang maoperan si Nadine ng proyekto na hindi dadaan sa Viva. Hanggang ngayon kasi ay may existing contract pa siya rito na naging dahilan nga para idemanda siya sa ginawang pag-alis sa kumpanyang pag-aari ni Vic del Rosario nang hindi pa tapos ang kontrata niya rito.
Dapat ay tapusin na muna niya. Then, huwag na siyang mag-renew kung talagang ayaw niya na sa Viva.
Naiintindihan ko naman si Nadine sa ginawang pag-alis sa Viva. Ang papangit naman kasi ng mga huling pelikulang ibinigay nito sa kanya, ‘no! Kaya pulos flop tuloy nung ipalabas sa mga sinehan tulad ng Ulan na pinagtambalan nila ni Carlo Aquino.