Advertisers
KAHIT kulang sa players nagawa pa rin itumba ng undermanned Brooklyn Nets ang Utah Jazz 130-96 kahapon sa New York.
Kabilang sa hindi nakalaro ay ang NBA superstar na si Kevin Durant na isinailalim sa quarantine matapos na magkaroon ng contact sa isang positive sa COVID-19.
Habang si Spencer Dinwiddie ay nagpapagaling sa kanyang injury.
Dahil dito, Pinamunuan ni Kyrie Irving ang opensiba ng Brooklyn Nets sa kinamadang 29 points.
Mistulang walang makapigil sa atake ni Irving na agad kumamada ng 18 points sa first quarter pa lamang at pagsapit ng halftime ay naka-20 puntos na.
Batay sa NBA record ang 18 points sa first-quarter ni Irving ay ikatlo na pinakamarami na nagawa ng isang player ngayong season.
Ito naman ang ikaapat na panalo at ikaapat na talo ng Nets.
Sa Utah, natikman nila ang ikatlong talo sa pitong mga laro.
Nauwi naman sa kabiguan ang 31 big points ni Donovan Mitchell para sa Utah, habang ang Filipino American player na si Jordan Clarkson ay merong 12 points.
Ang next game ng Jazz ay pagdayo sa New York Knicks sa Huwebes.
Samantalang host naman ang Nets sa karibal na Philadelphia sa Biyernes.