Advertisers

Advertisers

‘THE SEARCH IS ON’ SA MGA BATANG KA-PONGERS SA 2021 NEW NORMAL-LEDESMA

0 218

Advertisers

HAHATAW ang mga potensiyal na kabataang pingpongers ngayong taong 2021.
Ito ang optimistikong pahayag ni Philippine Table Tennis Federation president Ting Ledesma.
Bagama’t mayroon pang pangamba sa banta ng krisis, walanv ibang direksiyon kundi ang pagluwag na ng patakaran ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa alituntunin nito kaugnay ng pakikibaka sa pandemya sa pagbukas ng mga aktibidad partikular sa larangan ng sports kaya lumalawig na rin ang programa ng Philippine TableTennis Federation(PTTF) sa pagtuklas pa ng mga kabataang talento sa grassroot level ngayong panahon ng new normal kaakibat ang komprehensibong pagtupad ng health protocol sa lahat ng pingpongers sa bansa.
“ We welcome this year 2021 with a bang!The search is on.We have abundance of young talents nationwide na nag-aantay lang na madiskubre at mismong ang inyong lingkod ay personal ko silang natunghayan sa aking paglilibot sa mga bayan- bayan. Ramdam ko na aangat ang ating larangan sa ating new normal ng buhay- pongers”, optimistikong pahayag ni PTTF president Ting Ledesma lalo na ngayonv flattening na ang curve at halos nasa kanto na ang vaccine na panapat sa virus.
Sa susunod na yugto ng kanyang ka-pongers tour sa mga iba’t – ibang table tennis clubs sa mga lalawigan kung saan ay nalibot na niya ang Timog Katagalugan ay tiniyak niyanv magiging puspusan.
Si Ledesma na dating miyembro ng national table tennis team ay namangha sa kanyang unang bahagi ng pingpong tour sa Laguna, Cavite, Batangas at Quezon kamakailan dahil sa lalo pang pagdami ng mahuhusay na manlalaro maging bata hanggang sa mga batikang mga beterano at may mga nakatunggali pa siya mismo ng exhibition na tunay na may potensiyal.
“ Dahil diyan ay ikakasa natin ang malalaking kumpetisyon at talent search sa Luzon , Visayas at Mindanao.Iyong mga natatangi ang galing ay sasanayin natin sa main hub sa NCR para maging miyembro ng national pool “, wika ni Hotponger Ledesma.” Marami pa tayong mapo-produce na tulad ni Olympian Ian Llariba at Youth Olympian Jan Nayre.
Sa husay na maituturo ng dating world titlist na Korean coach , sa ayuda ng Philippine Sports Commission, suporta ng Philippine Olympic Committee at private sectors ay malaking factor ito upang maka-excel tayo sa sport na ito internationally na angkop lang sa talento ng Pinoy kung saan ay di kailangan ang height advantage maging sa edad.
We will have a new era of Filipino international caliber players in this new normal state of our lives”.ani pa Ledesma.(Danny Simon)