Advertisers

Advertisers

JUETENG OPERATION NI ‘JOHN YAP’ SA CAVITE NAMAMAYAGPAG, ANTI–COVID LAW HINDI SINUSUNOD

0 266

Advertisers

SOBRANG lakas ng loob at matapang ang jueteng operator na si alyas “John Yap” sa Cavite dahil patuloy ang pamamahayagpag ng kang iligal na negosyo kahit mayroong umiiral na batas upang hindi magkaroon ng coronavirus disease – 2019 (COVID – 19) ang mamamayan sa naturang lalawigan.

Ang totoo na siyang alam nating lahat, kabilang sina Cavite Gobernador Jonvic Remulla at Cavite Philippine National Police (PNP) chief na si Colonel Marlon Santos, ay bawal ang jueteng dahil iligal na sugal ito.

Siyempre, alam din ‘yan ni Brigadier General Felipe Natividad, ang pinuno ng PNP sa buong Rehiyong 4 – A na pinangungunahan ng Cavite.



Itong si Natividad ay kamag-anak daw ni Interior Secretary Eduardo Año.

Pokaragat na ‘yan!

Kung totoo ito, napakapalad ni Heneral Natividad.

Ang katiwala ni Yap sa kanyang negosyo ay si alyas “Moriones” o alyas “Alvaran” ng Tondo, Maynila.

Ang nagpasok kina Yap at Moriones sa Cavite ay sina alyas “Caloy Colanding” at alyas “Zalding Combat”.



Sikat na sikat sina Colanding at Combat sa mundo ng iligal na sugal sa Cavite dahil mga opereytor sila ng sakla.

Ito ang dahilan kung bakit nakapasok sina Yap at Moriones/Alvaran.

Ang papel nina Colanding at Combat ay mamahagi ng tara sa lahat ng ‘kinauukulan’, o ang mga taong dapat mamantikaan ng lingguhang tara.

Sa mga taong binanggit ko sa jueteng operation ni alyas Yap, isa sa kanila ay pulis kung tama ang pagkakaalala ko.

Ang pulis na ‘yan ay matagal nang iligal na sugal ang raket.

Ang pulis na ito ay mayroong koneksiyon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Mahigit na isang taong hepe ng PNP sa Cavite si Col. Santos, kaya napakaimposibleng wala siyang nakukuhang “intelligence report” tungkol sa jueteng nina Yap at Moriones – at maging ang importanteng tungkulin nina Colanding at Combat sa iligal na negosyo nina Yap at Moriones.

Dahil kung wala ay sobrang pulpol naman ng intelligence unit ng PNP sa Cavite.