Advertisers

Advertisers

Maja at Erich kapwa ninang ng anak ni Janella

0 242

Advertisers

By JULIET Q. PACOT

ISANG “certified mommy” na nga ang aktres na si Janella Salvador matapos nitong ibalandra sa social media ang baby nila ng syotang si Markus Paterson.

Baby Jude Trevor Paterson ang pangalan ng panganay nila ni Markus na ipinanganak noong Oktubre  20 ng nakalipas na taon sa United Kingdom kung saan kasamang naninirahan ng 22-anyos na aktres ang Fil-British actor/model.



Ibinunyag ng dalawa ang kanilang relasyon noong Setyembre, 2020 at dahil takot pa sa tunay na kalagayan, inilihim muna ni Janella ang pagbubuntis gayung umugong na rin ang naturang balita.

Makikita sa joint vlog ng kanyang mag-ama, dokumentado ang pregnancy journey ni Janella na makikitang siya ay nag-yoga hanggang sa sumalang sa maternity pictorial.

Kabilang daw sa mga ninang sina Erich Gonzales at tiyahin ni Janella na si Maja Salvador na kapwa hangad na makauwi sa Pilipinas ang mag-anak upang makita naman daw ang kanilang inaanak.

“I’m feeling so many emotions, but mostly excited that we’re finally ready to introduce you to the world. Well, if I’m going to be honest, I’m quite nervous about this day because I know how harsh the world can be,” bahagi ng pahayag ni Maja sa halos 30 minutong vlog.

Ina ni Janella si Jenine Desiderio sa musician na si Juan Miguel Salvador.



Bago kay Markus, si Janella ay dating girlfriend ng celebrity ring si Elmo Magalona at naugnay kay Joshua Garcia.