Advertisers
Maganda pala etong nirerekomenda ni PHILIPPINE RED CROSS (PRC) CEO/CHAIRMAN SENATOR RICHARD GORDON na “SALIVA TEST FOR COVID-19” na bukod sa 99.9% ang kalidad ng proseso ay pinakamura ang gastos kumpara sa ginagawa ngayong SWAB TEST para sa pagdetermina kung may COVID-19 o wala ang sinuman.
Tanging inaasahan ngayon ni SEN. GORDON ay ang mairekomenda na ng HEALTH TECHNOLOGY ASSESSMENT COUNCIL sa DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) ang application ng PRC na mapayagan silang gamitin ang prosesong SALIVA TEST FOR COVID-19 bilang pamalit sa ginagawang SWAB TEST.
“Health Technology Assessment Council ang nag-e-examine. It’s taking them a long time, Oct. 17 pa sinubmit ‘yan at ginagamit na din ‘yan sa ibang bansa. Over one million COVID testing has been done using that, at 99.9% ang accuracy,” pahayag ni GORDON.
Ipinunto ni GORDON na ang makinang ginagamit para sa RT-PCR TESTING ang siya ring gagamitin na hindi na kinakailangan pang dalirutin ang loob ng ilong at lalamunan na proseso para sa TEST KITS.
“Mas madali ito dahil hindi na kailangan ng swab sa ilong at lalamunan. Kailangan lang dumura sa test tube. Mas mabilis din mapa-process at mailalabas ang results. Walang machines na bibilhin at matatangal din ang test kits kaya mababawasan din ang presyo ng testing. Hindi mabigat para sa ating mga kababayan na gustong magbayad dahil mas mura. Ganun din ang PhilHealth (Philippine Health Insurance Corporation), bababa ang kanilang gastusin na babayaran sa testing,” saad ni GORDON…, na ang per individual walk-in for swab ay P3,800 ang bayad at sa mga OFW’s at FRONTLINERS ay P3,500 ang bayad, subalit kung SALIVA TEST ay halos kalahati ang maibababa sa presyo ng bayarin.
Dapat lang na pabilisin at nang sa gayon etong sistema na lang gawin dahil sa mahal na presyo ng test kits ay halos bilyong piso na ang pagkakautang ng PHILHEALTH sa PRC ngayon.
AKBAYAN PARTYLIST KINONDENA
SINAPIT NG FLIGHT ATTENDANT!
Nanggagalaite sa pagkondena ang AKBAYAN PARTYLIST at dapat lamang kondenahin hanggang makamit ang hustisya sa masaklap na sinapit ng FLIGHT ATTENDANT ng PHILIPPINE AIRLINES na si CHRISTINE DACERA na ginahasa na ay pinatay pa ng tinatayang mahigit 10-katao sa isang hotel sa MAKATI CITY nitong January 1.
“We express our deepest sympathies and condolences to the friends and family of Christine and call on the authorities to leave no stone unturned and bring all those responsible for this gruesome crime to justice. What happened to Christine is a tragic testament to the threat of violence women face everyday. Violence against women, particularly rape, is one of the worst human rights violations,” bahagi ng kalatas-pagkondena ng AKBAYAN PARTYLIST.
Siguradong ang HOTEL ay may kopya ng CCTV mula sa nasabing araw kaya makikilala ng mga awtoridad kung ilan at sino-sino ang mga pumasok at lumabas sa silid na kinatagpuan sa nasabing biktima.
“Even after all those responsible for Christine’s rape and killing are arrested, the need for more safe spaces for all, and an end to the violence of rape culture, prevails. Until we have achieved this and brought down all of those who have normalized and empowered it, we, most especially women, will not be silenced,” bahagi pa ng pagkondena ng AKBAYAN.
DENGVAXIA IMPLEMENTORS AT PAO
MAGBABAKBAKAN NA!
Sa pagkabigo nina SENATOR FRANKLIN DRILON at SENATOR SONNY ANGARA na maparalisa ang PUBLIC ATTORNEYS OFFICE (PAO) – FORENSIC TEAM ay mag-iinit na ang pagbabakbakan sa korte dahil may 100 na namang DENGVAXIA VICTIMS ang dumulog sa tanggapan ni PAO CHIEF ATTY. PERSIDA RUEDA-ACOSTA para sa pagsasampa ng kaso laban sa lahat ng mga nag,-implementa ng kontrobersiyang DENGVAXIA VACCINATIONS.
Ngayong taon ay maraming mga GOVERNMENT OFFICIAL ang masasampahan ng kaso dahil sa kawalang-ingat sa naging paglulunsad ng DENGVAXIA na libong mga batang mag-aaral ang dumanas ng mala-tortyur na pahirap mula sa adverse effect ng nasabing bakuna.., na pangunahing makakasuhan ng criminal, civil at administrative ay sina CONGRESSWOMAN JANETTE GARIN, HEALTH SECRETARY FRANCISCO DUQUE III, SANOFI OFFICIALS at maraming iba pang opisyales.
Sabi nga ni PAO FORENSIC CHIEF DR. ERWIN ERFE na ang kasong ito ay maituturing na TRIAL OF THE CENTURY at dito rin masusubukan ang administrasyon ni PRESIDENT RODRIGO DUTERTE kung wala nga bang sisinuhin kahit pa malalapit sa kaniya ang sinumang opisyal at mapatunayang nagkasala ay mapapatawan ng kaukulang parusa!
Pero.., pinakamasuwerte pa rin sa kasong ito ay sina SEN. DRILON at ANGARA dahil ang kanilang ACCRA LAW Office ang kikita ng limpak dahil kliyente nila ang SANOFI PASTEUR na manufacturer ng DENGVAXIA VACCINES.., siyempre bawat kaso ay milyong piso ang magiging acceptance fee ng ACCRA.., kaya, mas maraming kasong ihahain ng PAO ay limpak-limpak na salapi ang higit na matatamasa ng LAW FIRM ng naturang 2 SENATOR!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.