Advertisers

Advertisers

Ang ‘insureksiyon’ sa Estados Unidos

0 321

Advertisers

TATLONG siglo na ang nakaraan nang maulit muli ang insureksiyon sa bansang America. Ito ay nangyari matapos ang talumpati ni ‘outgoing’ US president Donald Trump na nagsasabing dinaya siya sa nakaraang halalan sa Estados Unidos noong Nobyembre.

Kaguluhan ang ibinunga ng kanyang talumpati, dahil matapos ito, nagsisugod ang kanyang mga taga-suporta sa kanilang tinatawag na US Capitol kung saan ang kanilang mga senador at mga congressman ay iaanunsiyo na ang pinal na bilang ng mga boto na nakuha ni Trump at ang pagdideklara ng pagkapanalo ng kanyang katunggali na si Joe Biden.

Naudlot ng mga ilang oras ang proseso dahil ang mga supporters ni Trump ay nakapasok sa gusali at sa mismong bulwagan kung saan ang mamababatas ay nagsasagawa ng bilangan.



Kaguluhan ang dala dala ng mga taga-suporta ni Trump na nagresulta sa pagkamatay ng apat na Amerikano kabilang ang isang babaeng nabaril at tatlo pang pumanaw dahil sa problema sa kalusugan, mga inatake sa puso habang nasa gitna ng kaguluhan.

Kalaunan, ay napigilan naman ang mga insurektos, na inutusan din ni Trump sa isang pampublikong panawagan na pairalin ang katiwasayan at kapayapaan habang kinikwestiyon ang pagkakapanalo ni Biden at magsi-uwi na lamang.

Ang kaguluhang ito na itinuturing ng karamihan na insureksiyon, na nanggaling mismo sa pang-uudyok ng papaalis ng lider ng bansa ay di na makakalimutan ng sino mang Amerikano, at di na mabubura sa kasaysayan ng kanilang bansa.

Magiging aral ito para sa mga puti, upang paghandaan at mapigilan ang pag-uugaling ipinakita ng natalong naninilbihang pangulo ng bansa gaya ni Trump, na maaari palang pagmulan ng pambansang kaguluhan.

Nasaksihan ng buong mundo ang pangyayaring ito na yumurak sa katatagan ng Estados Unidos na kinikilala sa pagpapa-iral ng demokrasya. Mabuti na lamang at naagapan din nila mismo, kung hindi, ay masasaksihan natin ang pagbagsak ng kanilang bansa na dala rin ng kanilang sariling mamamayan at ng kanila pang mismong lider.



Ang akala ko nga ay sa atin lang umiiral ang katagang “walang natatalo sa eleksiyon, kundi nadadaya lamang.” Sa kanila rin pala, at pinatunayan ito ni Trump na may nakahalintulad pang “hello Garci” na iskandalo. Naaalala niyo pa naman siguro yan.

Anuman ang susunod na kabanata, sa naganap na insureksiyon sa US, wala na tayong iba pang masasabi kundi – God Bless America!