Advertisers
Ni WILLY PERALTA
WATCH out Lovi Poe ang drama ni Kiray Celis sa pagsasama nilang dalawa sa bagong serye ng Siyete na “Owe My Love.”
Isa kasi si Kiray sa cast ng seryeng pinagbibidahan ni Lovi at diretsahang inamin nito na natulaley daw ang kanyang byuti sa kaseksihan ni Lovi nang magkita sila sa first day ng taping. Palihim daw tinitingnan ni Kiray si Lovi at tila isa siyang stalker na ini-imagine na ang katawan ni Lovi ay katawan niya. Say din ni Kiray, dahil sa labis na paghanga ay hindi na umano nagdalawang isip si Kiray na lapitan si Lovi at tanungin kung paano na-achieve ng actress ang magandang katawan. Hindi naman naging madamot si Lovi at sinabi niya ang kanyang daily routine at diet kung paano ito ma-maintain. Challenge pa nga ni Lovi kay Kiray na siya mismo ang magiging fitness guru ni Kiray, ‘yun nga lang kailangan niyang tiisin ang hirap ng pag-e-exercise at diet. Challenge accepted naman si Kiray. Naisip din ng komedyana na kailangan na rin naman niyang ipush o i-level ang sarili dahil nitong nakaraang taon, natuon sa kanyang pamilya ang oras ni Kiray at dahil dito nganga raw siya financially.
Kaya ngayong taon ay sa work na muna ibubuhos ni Kiray ang kanyang oras. Pabiro pa ngang say nito, no work, no pay kasi.
***
WILBERT TOLENTINO LEVEL UP NA SA VLOGGING
TAKING it to the next level ang drama ng byuti ng dating Mr. Gay World Titlist na si Wilbert Tolentino sa kanyang vlog.
Nakipag-collab si Wilbert sa Team Josa, na binubuo ng loveteam nina Jomar Lovena at Sachzna Laparan.
Dahil sa collaboration na ito na sadyang bago para sa vlog site ni Wilbert, inamin nitong nahirapan siyang mag-adjust sa bago niyang pasabog sa sariling website.
Pero enjoy naman ang naturang blogger. Sa ngayon palang dahil sa pagbabagong ito ay maraming bagong subscribers ang kanyang naaliw at tinatantiyang malaki ang chance na darami rin ang kanyang subscribers tulad nina Raffy Tulfo, Ivana Alawi, at Alex Gonzaga.
Wala pang dalawang buwan pero almost 350,000 subscribers na ang Wilbert Tolentino VLOGS sa Youtube. Achievement sa kanya ito bilang baguhan sa nasabing entertainment streaming app. Generous talaga si Sir Wil at maraming napasaya nu’ng kapaskuhan.
Si Wilbert ay kilalang co-owner ng tatlong entertainment bar (Apollo, Club 690, Farenheit). May malaki rin siyang pasabog na event ‘pag bumalik sa normal ang lahat at may vaccine na.
Mag-o-organize siya ng THE PHILIPPINES INFLUENCER AWARDS 2021.