Advertisers

Advertisers

Mga buwayang DWPH District engineer dapat sibakin at bawiin ang mga kinulimbat!

0 441

Advertisers

LABING-APAT (14) na district engineers ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na umano’y kasabwat ng mga kongresista sa sa korapsyon ang inalis sa kanilang puwesto.

Inanunsyo ito ni DPWH Secretary Mark Villar nung Huwebes, Enero 7, sa “Laging Handa” briefing.

“The 14 district engineers were relieved. Our task force against corruption is getting complaints. We are also asking help from other agencies for the case buildup on the complaints,” bida ng anak ni Senadora Cynthia Villar, ang No. 1 bilyonarya sa Senado na posibleng kumasa sa pagka-Bise Presidente.



Ang reaksyon ng netizens sa tinurang ito ni Sec. Mark ay: “Bakit relieved lang? Dapat tanggal! Kasuhan at bawiin ang kinulimbat ng mga engineer na ito.”

Tama! Hindi lang dapat inalis sa puwesto ang naturang mga engineer. Dapat kasuhan sila, ipakulong! At higit sa lahat ay bawiin ang kanilang mga kinulimbat, at ipagbawal nang magtrabaho sa gobyerno forever. Mismo!

Nitong nakaraang buwan, Disyembre 2019, inanunsyo ni Pangulong Rody Duterte ang pangalan ng mga engineer at mga kongresista na magkakasabwat sa pag-magic sa pondo ng mga proyekto ng gobyerno.

Kabilang sa mga kongresista na binanggit ni Duterte sina Josephine Sato ng Occidental Mindoro, Teddy Baguilat ng Ifugao, Alfred Vargas ng Quezon City, Henry Oaminal ng Misamis Occidental, Alyssa Sheena Tan ng Isabela, Eric Yap ng ACT-CIS Partylist, at Geradine Roman ng Bataan.

Sa totoo lang, mga pare’t mare, ‘di kilala sa larangan ng korap-syon ang mga mambabatas na ito. Kung nangumisyon man sila, tingin ko hindi ganun kalaki, unlike dun sa mga kongresistang sikat sa pagkatay sa kanilang multi-million pork barrel.



Sabi ng mga kababayan ko sa Romblon, bakit daw wala sa mga binanggit ang aming kongresista at district engineer eh mas malupit ang katuwalian sa gov’t. projects sa lone district ng Romblon. Mismo!

Nahaharap sa kasong katiwalian sa Sandiganbayan ang kinatawan ng Romblon na si “Budoy” Madrona. Its all about fertilizer fund scam na naisampa panahon pa ni ex-President Gloria M. Arroyo.

Anyway, balikan natin ang pag-relieved ni Sec. Villar sa 14 engineers. Sabi niya, babalasahin din niya ang mga opisyal ng DPWH. “Soon we will have a reshuffle in the department and there will be changes. We, in the Department will continue to fight against corruption. We continue to investigate the reports that are being submitted.”

Titiyakin aniyang hindi maaapektuhan ang operasyon ng agency sa gagawin niyang pagbalasa sa mga opisyal.

“We have many personnel…the department is big. We have many professionals and we have a system that’s why I think it will not have an effect,” paliwanag ng batang Villar.

Magsisimula aniya ang reshuffle “within the month, definitely, definitely. We are working on it and definitely it will be implemented as soon as possible.”

Well, abangan natin kung sinu-sinong mga opisyal ang maaapektuhan sa gagawing pagbalasa ni Sec. Villar sa kanyang department heads. Baka mag-change position lang ang mga ito. You know…

Babantayan din natin ang magiging kaso ng 14 engineers na inalis sa puwesto. Baka ilipat lang din sila ng ibang distrito. Mismo!

Sa totoo lang, mga pare’t mare, malaki ang tiwala ko rito kay Sec. Villar na malilinis niya sa mga tiwaling opisyal ang ahensiya. Pero beke nemen, Sec. Villar, take a look sa mga proyekto sa Romblon province. Grabe na po ang katiwalian dito. Pramis!