Advertisers

Advertisers

Ex-pulis wanted sa rape nagtago ng 1 dekada, timbog sa Pampanga

0 261

Advertisers

Matapos ang higit isang dekadang pagtatago, isang dating pulis ang inaresto sa kasong panggagahasa sa Pampanga nitong Biyernes.
Ayon sa ulat, naaresto ang 58-anyos na suspek sa bisa ng warrant of arrest na hinain laban ni Hon. Antonio Natino ng Regional Trial Court 26 sa Iloilo City.
Bukod sa panggagahasa umano, isang kaso ng attempted homicide ang hinaharap ng dating pulis.
Ayon sa PNP, ginahasa ng suspek ang kaniyang katulong na 18-anyos lang noon sa Iloilo.
Nagtago at nag-AWOL ang nasabing pulis nang hainan ng mga arrest warrant noong 2010.
Hinahanap ng PNP Anti-Kidnapping Group ang suspek mula sa Iloilo hanggang sa San Fernando City, Pampanga. Nakita nilang nagtatago sa isang bahay sa Brgy. San Agustin ang suspek.
Dadalhin ang suspek pabalik sa Iloilo para harapin ang kaniyang mga kaso.