Advertisers
Nagmula sa mga bansang Spain at Brazil ang high-grade cocaine na nakuha sa isang container yard sa lungsod noong buwan ng Disyembre 2020.
Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency Region 12 (PDEA-12) Dir. Naravy Duquiatan, nakipag-ugnayan na sila sa kanilang mga counter part na mga foreign agency para sa profilling ng mga tatak sa narekober na cocaine na nagkahalaga ng P2 million.
Nasa kustodiya pa rin ng PDEA laboratory ang mga nakumpiskang high-grade cocaine.
Sinabi rin ni Daquiatan na ito ang unang pagkakataon na nakakumpiska sila ng high grade cocaine na isang indikasyon na ginagawang trans-shipment ng illegal drugs ang pantalan ng naturang lungsod.
Ito ang dahilan na nakipag-ugnayan ang PDEA sa Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Customs (BoC), National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Immigration (BI) matapos inorganisa ang port interdiction task group para hindi na kailangan ang coordination kung may huhulihin na droga sa pantalan.
Sinabi rin ni Duquiatan na iba pa ang cocaine na narekober noon sa mga container van sa Davao City na nagmumula naman sa bansang Mexico.