Advertisers

Advertisers

POLICE COLONEL HAROLD DEPOSITAR NG MAKATI POLICE STATION

0 1,310

Advertisers

SA pagpasok ng taong 2021, biglang pumailanglang ang pangalan ng isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) sanhi na rin ng isang high profile alleged rape/slay case na naganap sa kanyang area of responsibility (AOR).

Siya si Makati Police chief, Colonel Harold Depositor.

Nito lamang December 17, 2020 na-assign bilang chief of police ng Makati City si Colonel Depositar na produkto ng Philippine National Police Academy (PNPA) Class of 1998.



Sa nangyaring insidente sa City Garden Grand Hotel na kung saan nag-check in ang biktimang si Christine Decera, lumalabas na may malaking liability ang nasabing hotel na napag-alamang isang designated quarantine facility ng Department of Tourism (DOT).

Ibig sabihin, ipinagbabawal na tumanggap ang nasabing hotel ng mga walk in costomers or guests.

Paano nga namang nakapag-booked ng kanyang kuwarto ang biktima na si Christine at ang mga suspects sa City Garden?

Marami ang nagba-bash ngayon kay Col. Depositar dahil sa umano’y pagkaka-release ng tatlo sa mga suspects sa Dacera rape-slay ng Makati Prosecutors’ Office.

Pero mali ang ang pagbatikos sa Makati Police at sa liderato ni Col. Depositar.



Ang hindi alam ng publiko at ng nakakarami, hindi bahagi ng Makati Police Station ang grupo ni Major Sarmiento ng SOCO na rumesponde sa crime scene kundi mga tauhan ng Southern Police District (SPD).

Si Major Sarmiento ang nag-utos na paimbalsamo ang bangkay ni Christine bago pa man ito maawtopsiya na isang malaking katangahan.

Mismong si NCRPO Regional Director, Maj. Gen. Vicente Danao ang nagsabi nito.

Makikita naman na ginawang lahat ng Makati Police at ni Col. Depositar ang mga dapat gawin upang ma-pindown ang mga suspect sa Dacera rape-slay.

Kung ni-release man ang mga suspects ng Makati Prosecutor’s Office, ito ay dahil sa kakulangan sa forensic report na di pa naisusumite ng SPD-SOCO.

Malinaw po ‘yan dear readers ha, kakulangan at kapalpakan ng SOCO ni Maj. Sarmiento ng SPD ang pagkaka-release sa tatlong suspects.

Sa kabila ng mga pambabatikos sa social at mainstream media, pinili na lamang ng maunawaing COP ng Makati PNP na manahimik na lamang.

Gusto lamang niyang linawin na hindi sila nagkulang ng kanyang mga tauhan sa Makati Police Station.

Speaking of Col. Depositar, nais lamang po nating ipagbigay-alam sa butihing opisyal ang tungkol naman sa isang traffic accident na nangyari sa kanto ng Malugay Street-Gil Puyat nitong Enero 3, 2021 kung saan isang White Innova ang walang pakundangang nagleft turn sa Malugay street sa kabila ng malinaw na ipinagbabawal ang pagkaliwa at pag-u-turn sa nasabing area na kahabaan nga ng Gil Puyat Avenue.

Sa ginawa pong pag-left turn ng driver ng White Innova na nakilalang si ALMARIO NOBLE, dalawang motorsiklo ang kanyang nabangga.

Isa po sa dalawang motorsikto ay kinalululanan ng mag-asawang sina Josua Gicoso at Mier Jabat na kapwa nadurog ang mga buto sa paa at kasalukuyang naka-confine sa National Orthopedic Hosapital sa Quezon City.

Ang mabigat dito Col. Depositar,parang may inililihim sa nangyaring aksidente ang Traffic Investigator ng Makati Police na si Cpl.Dannie Felix pati na rin ang hepe nito na si Police Lt. Gemma Reyes.

Ayon sa imbestigador na si Felix, sira umano ang CCTV sa area ng pinangyarihan ng aksidente ngunit nakakuha ng kopya ng footage ng CCTV sa area ang inyong lingkod na hawak natin sa ngayon.

Duon pa lamang po Col. Depositar ay tila may pinagtatakpan na.

Isinusulong ni Cpl. Felix na mag-areglo na lamang ang dalawang partido na involved sa aksidente.

May impormasyon po kasi tayong nakuha na si Noble na sinasabing nagmamaneho ng White Innova nang maganap ang aksidente ay hindi talaga ang nasa manibela ng nasabing sasakyang na-involved sa traffic accident kundi isang tulo-laway na Tsekwa.

Ito po marahil ang dahilan kung bakit sinasabi ni Cpl. Felix na sira ang CCTV sa kanto ng Gil Puyat Avenue at Malugay street.

Malinaw po na may nagsisinungaling sa isyung ito.

Handa po nating ipakita sa inyo Col. Depositar ang video footage sa CCTV ng naturang lugar.

More on these sa susunod nating pagtalakay.

ABANGAN!