Advertisers

Advertisers

Mhack Morales, tinawag na tanga ni Direk Joel Lamangan

0 605

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

PARA sa baguhang aktor na si Mhack Morales, marami siyang hanapbuhay na pinasok bago sumabak sa pag-aartista.

Hindi rin niya ikinaila na laki siya sa hirap.



Katunayan, pang-MMK daw ang buhay na dinanas niya habang lumalaki.

Naging basurero raw siya at nangalakal.

Pinasok din niya ang odd jobs tulad ng pagiging mascot at fastfood staff.

Hindi rin niya ikinahihiya na nagtinda siya ng mani dahil for him, ‘mani’ is life.

“Natulungan po siyang tustusan ang pag-aaral ko at wala naman akong dapat ikahiya dahil disente naman po siya at wala kang tinatapakang tao,” aniya.



Nagtapos ng Bachelor of Science in Physical Education si Mhack sa University of Manila.

Nagturo rin daw siya at naging titser sa grade school.

Pinasok din niya ang mundo ng pageantry na naging finalist siya sa Macho Men ng Eat Bulaga.

“May nagsabi sa akin na may hitsura ka at puwedeng artista,” pahayag ni Mhack.”Ako naman, talagang hilig ko siya. Gusto kong matuto ng acting,” dugtong niya.

Aniya, iba rin daw ang kaway at halina  sa kanya ng showbiz kaya sinubukan niya ito.

“Excited ako kasi gusto ko rin talaga ang pag-aartista. Gusto kong patunayan na more than the looks, may talent po ako,” bulalas niya.

Biggest break ni Mhack ang  pelikulang Anak ng Macho Dancer na pinagbibidahan ni Sean de Guzman.

Bilang isa sa macho dancers, mapangahas daw ang kanyang papel.

“Ako iyong bosero rito. May masturbation scene ako at frontal nudity,” pagbubunyag niya.

Dagdag pa niya, isang karangalan para sa kanya ang maidirek ng award-winning director na si Joel Lamangan sa pinakabago nitong obra.

Aminado rin siyang nasigawan ni Direk Joel at natawag na tanga pero hindi raw niya minasama iyon bagkus naging motivation daw ito para pagbutihin niya ang kanyang trabaho.

Iprinudyus ng Godfather Productions ni Joed Serrano, kasama rin sa Anak ng Macho Dancer sina Ricky Gumera at Charles Nathan.