Advertisers
MULING naglunsad ng proyektong “Donation for a Cause” ang Tondo High School Tahanan Alumni upang matulungan ang mga guro at estudyante ng Tondo High School (THS).
Sa nasabing proyekto, kasama si P/Maj. Rosalino “Jhun” Ibay, ang hepe ng Manila Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT), sa mga nag-organisa upang may magugol sa pagpapagawa ng elevator sa gusali ng naturang eskuwelahan.
Si Major Ibay din ang kasalukuyang Presidente ng Tondo High School Tahanan Alumni habang ang Vice President nito si Wynnie Fababier.
Naitalaga na Secretary si Jessica P. Cadion; Internal Treasurer si Marco Apolonio; External Treasurer Maricel Micael at PRO si Demosthenes Novelo.
Nagsisilbi na Advisers sina Sonny Valenzuela at Helen Grace Villanueva, habang si Julie DG Madera ay THS Alumni Coordinator at si Rodrigo Natividad ang THS Principal.
Ayon kay Major Ibay, malaking bagay ang paglalagay ng elevator sa naturang paaralan para sa mga estudyanteng persons with disability, senior citizen at sa mga guro.
Upang maisakatuparan ang nasabing proyekto, magkakaroon ng “donation card” ang grupo ni Ibay na nagkakahalaga ng P200 kada isa kungsaan may tyansang magwagi ng brand new 2020 model na NMax na motorsiklo bilang grand prize.
Bukod sa NMax motorcycle, may iba pang premyo na brand new electronic motorcycle , brand new electronic trolly at 10 consolation prizes na brand new mountain bikes sa mga mapapalad na magwawagi na nakabili ng donation card. Bilang patotoo at mahikayat ang publiko sa magandang hangarin ng grupo, nakadisplay na ngayon sa harapan ng Tondo High School ang mga ipamamahaging premyo para sa isasagawang raffle na gaganapin sa Pebrero 14, 2021 .
Sa Tondo High School kapwa nagtapos sina Maj. Ibay at Manila Mayor Isko Moreno Domagoso kungsaan sila ay naging magkaklase pa. (Jocelyn Domenden)