Advertisers

Advertisers

Ashley Aunor wish maka-collab ang Queen of Rock na si Sampaguita

0 297

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

KAABANG-ABANG ang bagong single na ilalabas ng mahusay na singer/composer na si Ashley Aunor. Pinamagatang Loko, ang kanta ay patama sa mga lalaking manloloko.

Ito ay available na sa January 15 sa lahat ng digital platforms.



Although fictional ex-boyfriend ang pinagbasehan ni Ashley ng kanyang forthcoming single, tiyak na lalatay ito sa mga pabling na pinaglalaruan ang mga babaeng nagmamahal sa kanila.

“May ilalabas po akong single sa January 15, iyong name ng song is Loko! Ito po ay through DNA Music (sub-label ng Star Music) ire-release,” sambit ni Ashley.

Aniya pa, “Loko! is a hip-hop song about my fictional ex-boyfriend na nang-cheat on sa akin. The song is written and fully produced by Aunorable Productions, ito po ang production duo namin ni Ate Marion (Aunor).”

Marami na ba siyang na-encounter na lalaking loko?

“For fun and all fiction lang naman ‘yung lyrics ng song. Marami kasing manlolokong lalaki ngayon, hahaha!” Nakatawang pakli pa ng bunsong anak ni Ms. Maribel ‘Lala’ Aunor.



Balak ba niyang maglabas din ng EP?

Tugon ni Ashley na kilala rin bilang Cool Cat Ash, “Maybe, eventually ay magkaka-EP (Extended Play) din po ako. But focus muna ako sa singles, for now.”

Bukod sa kanyang single, may tatlong covers si Ashley na masarap pakinggan. Ito’y ang Laki Sa Layaw, Iskul Bukol theme song, at Bonggahan na originally ay pinasikat ng Queen of Pinoy Rock na si Sampaguita.

Sa tatlong covers na ito ay makikita kung gaano ka-versatile talaga at kung gaano katindi ang pagkagiliw sa rock classics ng younger sister ni Marion Aunor.

Hindi pa pinanganganak si Ashley nang sumikat ang tatlong songs na iyan, paano niya naisip na gawan sila ng covers?

Esplika ni Ashley, “Binigyan ako ng list ng pagpipilian ng classic OPM songs ng label na bibigyan ng sariling rock twist and napili ko yung three songs na iyan.”

Paano siya na-introduce sa Pinoy Rock?

Saad pa niya, “Nag-ask ako ng advice from mom and ipinakilala niya sa akin yung music ni Sampaguita, Mike Hanopol and Tito Vic and Joey. Favorite ko po si Sampaguita and wish ko mag-collab with her.”