Advertisers

Advertisers

Barbie gandang-ganda sa sarili; AiAi dedma na sa bashers

0 284

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

DEDMA to the highest level ngayon ang Kapuso actress na si AiAi delas Alas sa lahat ng mga bash na natatanggap niya. Halos araw-araw na rin ito. Nagsimulang dumagsa ang mga hate comment kay AiAi nang mag-perform siya sa ilang production numbers na tila feeling nito isa rin siyang Kpop member ng sikat na all-female group na Black Pink.

Pero habang inuulan ng bash si AiAi ay tila mas ganado pa siyang karirin ang kanyang mga Kpop performance.



“Hayaan mo lang sila. Hindi naman ako mamamatay sa bashing. Meron namang nakakagusto, ako nga raw ang fifth member ng Black Pink. So gusto ko yun, feeling ko, fifth member talaga ako ng Blink. Maglalabas nga ako ng tinapay na Blink Bread, colored Black and Pink, para sa fans ng Black Pink na gaya ko.”

May nagsasabi naman na kaya raw tila kumakapal nang husto ang face ni AiAi sa mga intriga at dedma ang byuti niya sa mga bashers ay inihahanda na ng komedyana ang sarili para sa tsikang pagpasok niya sa mas magulo at mas maintrigang mundo ng politics.

May balak daw si AiAi na kumandidato sa susunod na eleksyon. Say naman ni AiAi, ang nasa Itaas na raw ang bahala kung ilalagay siya sa politics. Pag-iisipan pa raw  ni AiAi ang mga bagay na may kinalaman sa politics bago siya sumalang dito.

***

GANDANG-ganda sa sarili si Barbie Forteza habang kinukunan na siya ng isang guapong photographer sa mismong garahe ng tahanan ng Kapuso young actress.



Sa vlog ni Barbie ay may kilig pa niyang sinabi na dahil iwas sa maraming tao at may social distancing ay kumuha na lang siya ng isang guapong photographer para sa home folio shoot.

Say pa ni Barbie, pareho raw silang may kilig ng kanyang photographer at inspired  sila sa naturang photoshot. Pero bago pa man magtaas ang kilay ng supporters ng loveteam nila ng real boypren na si Jak Roberto, sinabi ni Barbie na ang kinuha niyang photographer ay si Jak.

Dagdag pa ni Barbie, hanga raw siya sa diskarte ng boypren. Si Jak na raw mismo ang nag-ayos ng garahe para lumabas na studio at ito na rin ang nag-suggest ng mga pose na gagawin ni Barbie.

Para-paraan lang daw si Barbie na makasama nang matagal ang boypren kaya naisip niyang gawin ang whole day photoshoot with her bf.

Say pa ni Barbie, feeling daw kasi ni Jak ay sumeseksi na raw ang gf at nais niya itong kunan ng larawan kaya hindi raw ang dalaga ang nakaisip na magphoto-op sila ng boypren.

Biro pa nga ng young actress, gandang-ganda raw kasi si Jak sa kanya.