Advertisers

Advertisers

Julia nagpahiwatig, si Gerald ang ‘secret bf’

0 231

Advertisers

Ni JULIET Q. PACOT

PASOK sa banga si Gerald Anderson sa ginawang  “hot seat” kay Julia Barretto makaraang kumpirmahin ng huli na “taken” na siya at mayroon  nang karelasyon.

Sa isang nakaaaliw na TikTok challenge, sumakay si Julia sa dalawang choice na kanyang pinili ang pagiging taken, gayundin ang urban slang para sa salitang foreigner na “AFAM,” at “OLDER” guy raw ito.



Walang dudang nasilip sa mahiwagang kristal ng mga netizen si Anderson na isang Filipino-American at mas matanda kay Julia sa edad na 31.

Hanggang ngayon kasi tikom ang bibig ni Gerald at ng 23-year-old actress sa usap-usapan na magkasama silang nag-hiking sa Mt. Kulis bago mag-Pasko, at magkasamang sinalubong sa Baguio ang Bagong Taon.

Samantala, ang ex-girlfriend naman ni Anderson na si Bea Alonzo ay tila “smooth sailing” din ang dating status kay Dominic Roque.

Noong nakaraang taon nang sila ay maugnay sa isa’t isa matapos namataan sa restaurant sa Japan, at kamakailan lang ay sa isang Japanese restaurant naman sa Taguig City nag-date.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">