Advertisers
TALAGANG mamumura mo itong punyetang tagapagsalita ng Palasyo na si Atty. Harry Roque.
Mantakin mo, mga kapwa ko Pinoy, pagsabihan tayo ni Roque na huwag tayong maging pihikan sa ituturok nilang libreng Covid-19 vaccine. Gago!
Matter of life and death ang vaccine. Kaya karapatan ng bawat mamamayang Pinoy ang mamili ng vaccine na makabubuti sa kanyang kalusugan. At hindi libre ‘yan, Roque! Inutang man ‘yan ay babayaran parin naming taxpayers ‘yan. Pesteng yawa ka!
Kung ganito manlang ka-tarantado ang rason ng gob-yerno ni Duterte sa pagturok ng “libreng” bakuna sa mamamayan ng Pilipinas, makabubuti na payagan nalang ang mga pribadong pharmaceutical company na mag-ang-kat ng Covid vaccines para sa merkado sa bansa, at hayaan nang magkanya-kanya sa pagbili ng vaccines ang Local Government Units (LGUs) para mabakunahan na ang mga nakanganga nilang constituents. Mismo!
Ang Pilipinas ay 10 months na ngayon under community quarantine, napakarami nang jobless dahil marami pang negosyo ang sarado at ang mga nakabukas naman ay palugi nang palugi.
Marami nang available Covid vaccines na aprubado ng World Health Organization (WHO) tulad ng Moderna, Pfizer at AstraZeneca na pawang rehistrado narin ng Food and Drug Authority (FDA) ng Pilipinas pero hindi parin nakakabili ang gobyerno ni Duterte. Hinihintay pa raw ang paglabas ng made in China na Sinovac na ubod ng mahal at nasa 50 percent lang ang bisa unlike ng mga naunang nabanggit na vaccines na mas mura at nasa 90 – 95 percent ang efficacy rate.
Ang mamamayan ay nagwawala na, gusto nang makalaya sa magastos ding facemask at face shield. Kaya ang LGUs, na minumura na ng kanilang constituents, ay hindi na makapaghintay pa sa pangakong bakuna ni Duterte na ilang beses nang napaso. Nagkanya-kanya na sila ng paglaan ng pondo para makaangkat na ng vaccine. Ang napili nila ay ang gawang India na AstraZeneca na nagkakaha-laga lamang ng P610 at may mataas na efficacy rate 62% – 90% kumpara sa China made Sinovac ni Roque na tig-P3,629.50 at ang efficacy rate ay 50% lamang. (50-50 ang buhay mo rito, mga pare’t mare).
Ang mga LGU na nakatakda nang bumili ng vaccine ay ang Baguio City, Caloocan City, Davao City, Iloilo City, Makati City, Manila City, Navotas City, Pasig City, Quezon City, San Juan City, Valenzuela City, Vigan City at ma-ging ang maliit na bayan ng Odiongan sa Tablas island, Romblon Province. Lahat sila AstraZeneca ang choice.
Ang Department of Health ay Sinovac naman daw ang bibilhin. Ito ang ituturok nila ng libre. Kaya huwag raw maging pihikan, sabi ni Roque, dahil libre ito. Sa DDS n’yo nalang iturok ‘yan, Atty. Roque!
Uulitin ko, hindi libre ang sinasabing ituturok ng Duterte gov’t. sa inyo. Inuulol lang tayo! Kung ‘yan man ay inutang nila sa China, babayaran parin nating taxpayers ‘yan. Pati tubo nyan ay babayaran ng ating kaapo-apohan. Gets n’yo?
Anyway, 16 months nalang at matatapos na ang kabaliwang ito ng gobyerno. Marami tayong leksyon na natutunan sa administrasyong ito na punung puno ng pangako at kasinungalingan. Kaya sa Mayo 2022 ay maghalal tayo ng matino, hindi nangangako ng 3 days tapos ang rice cartel, 3 to 6 months tapos ang korapsyon, kulong ang mga korap, at drug-free ang Pilipinas. Peste!