Advertisers

Advertisers

Ellen gumigimik para sa promo ng pagbabalik-TV; Ara walang sinagasaan nang makipagrelasyon kay Dave

0 315

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

PAGKATAPOS  ‘manahimik’ ay tila sunud-sunod naman ang tsika kay Ellen Adarna. Una na nga ay ang pagsasaad niya ng totoong dahilan ng hiwalayan blues nila ng dating partner na si John Lloyd Cruz. Nasundan ito ng pakikipag-date niya sa rumored foreigner boypren na si Carlos Lemus from Spain.

And lately nga ay naglabasan naman ang mga larawan sa internet na tila ‘naglalandian’ sila ng hunk actor na si Derek Ramsay. Ipinaliwanag naman ni Ruffa Gutierrez na isang neigborhood na salo-salo ang naganap dahil magkakalapit lang sila ng tahanan. Naisipan daw ni Derek na magbigay ng munting dinner bonding para sa kanyang mga kapitbahay. Andun din si John Estrada bukod nga kina Ellen at Ruffa.



Marami tuloy ang naghihinalang balik sa dating gawi si Ellen noong dalaga pa siya. Nag-iingay kasi may bagong proyektong ginagawa. O di nga ba magsisimula nang mapanood sa TV 5 ang comedy show nila ni John na may pamagat na “John and Ellen” na til hawig ang konsepto sa sikat na programa noon nina Dolphy at Nida Blanca na “John & Marsha.”

Sey naman ni Ellen, after two years na nilabanan niya ang naramdaman na emotional breakdown ay ngayon daw lang ulit niya naibalik ang peace of mind and happiness sa sarili kaya ini-enjoy lang niya ito.

Nakaramdam kasi ng depression si Ellen nang manganak siya sa anak nila ni John Lloyd Cruz na si Elias at ilang buwan lang ay yumao naman ang kanyang ama.

***

AT long last, natagpuan na ni Ara Mina ang kanyang Mr. Right Man sa katauhan ng isang super rich na businessman na si Dave Almarinez, President and CEO ng Philippine International Trading Corporation.



Naganap last Dec. 12 ang proposal ni Dave kay Ara at tinuring naman ito ng aktres na isang perfect gift.

“I have received the most perfect gift from God. A prayer I have always been sincerely trusting Him to bring into my life. Dave, thank you for being my answered prayer,” post ni Ara sa kanyang Instagram.

Mahigit din dalawang taon sinuyo ni Dave si Ara bago niya ito tuluyang sinagot. Madiin namang sinabi ng aktres na kasama ngayon sa “Ang Probinsyano” ng Kapamilya Network na walang overlapping na naganap sa pakikipagrelasyon niya kay Dave. Matagal  na raw hiwalay si Ara sa boypren niyang politician nang nakilala at manligaw sa kanya ang fiancee.

Sa ngayon wala pang solidong plano kung kailan at saan gagawin ang kasalang Ara at Dave.