Advertisers

Advertisers

Ellen nagtapat, siya ang may pagkukulang kaya nahiwalay kay Lloydie

0 273

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

NAKAHANDA na  si Ken Chan para  sa  lock-in  taping ng serye  ng GMA 7 na  Ang Dalawang Ikaw na muli niyang makakapareha  ang ka-loveteam na si Rita Daniela.

Pinost ni Ken  sa kanyang IG Story ang  mga  essentials na dadalhin sa kanyang lock-in  taping  na tatagal  din ng ilang linggo. Mistulang  sasabak  sa giyera si Ken  dahil  anim na storage box ang kanyang dadalhin na puno ng pagkain at tatlong maleta ng damit na kanyang gagamitin.



Ayon pa kay Ken, siya mismo ang nag-ayos ng dadalhin sa taping. Kung  sabagay ay hindi ito ang unang pagsabak niya sa lock-in taping. Matatandaang una niya itong naranasan  nang mag-shoot sila ni Rita ng kanilang first movie na My First  and Always  last year sa gitna ng pandemya.

Nagpapasalamat din si Ken sa GMA 7 dahil hindi siya pinababayaan ng  Kapuso Network na bigyan ng project sa gitna ng pandemic.

Dalangin niya na matapos na ang dinaranas ng buong bansa at maging  normal na muli ang buhay ng tao sa buong mundo.

***

AYON sa post ni Claudine Barretto ay kaagad silang nagpa-swab test ng kanyang kapatid na si JJ  matapos na magkaroon sila ng lagnat.



“Palanggas, hello po. Covid Swab  kami  ng kuya  ko  beoz pareho kami  nagka-fever  yesterday,  jjbarretto.”

As of today ay wala pang update si Claudine  sa resulta ng kanilang swab test.

Nagdarasal  at umaasa ang kanyang mga fans na  sana negative ang resulta ng test.

Sana nga ay negative ang swab test ni Claudine dahil nakatakda na siyang sumabak  sa kanyang comeback movie na ididirek ni Joel Lamangan na prodyus ni Atty. Ferdie Topacio.

Ang nakatatakot pa ay nakapasok na sa bansa ang bagong variant ng virus  na galing sa UK. At isa nga sa mga sintomas ng coronavirus ay fever.

***

FINALLY, nagsalita na rin si Ellen Adarna tungkol  sa break-up nila ni John Lloyd Cruz.

Ayon sa controversial sexy actress na kahit nagkaanak na ay marami pa ang nagpapantasya sa kanyang alindog.

Inamin ni Ellen na siya ang may pagkukulang kaya naghiwalay sila ni Lloydie. Pero lahat ng ito ay natanggap na nila pareho ngayon ng actor.

Ngayon  ay okey na sila kung paano palalakihin nang maayos ang kanilang anak na si Elias.

Balik-arte muli ang aktres sa Ellen and John na mapapanood sa TV 5.