Advertisers
MAAGANG tinapos ang sariling buhay ng isang binatilyo nang masira ang cellphone nito na ginagamit sa kanyang distance learning Biyernes ng umaga sa Santiago city.
Nakabitin at wala ng buhay nang matagpuan ang bata na itinago sa pangalan Totoy, 14-anyos, Grade 9 student, nakatira sa nasabing lungsod.
Sa report, 5:00 ng madaling araw nang madiskubreng nakabitin sa biga ng kanilang bahay ang biktima gamit ang lubid.
Kuwento ng lolo ng biktima, bago ang insidente 2:00 ng madalimg araw say abay pa silang nagising ng kanyang apo at nagkape saka muling natulog.
Subali’t makalipas ang 3-oras ay nagulat na lamang siya nang makita ang apo na nakabigti at wala nang buhay.
Nabatid na naging desperado ang bata simula nang nasira ang kanyang cellphone na kanyang ginagamit para sagutin ang distance learning.