Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
AYON sa ating source, bukod sa kanyang health, kaya raw pursigido sa pagpapayat si Sharon Cuneta na maging sexy ay dahil may pinaghahandaan daw na malaking bagong proyekto ang Megastar.
Isang pelikula raw ito na gagawin ni Sharon sa Viva Films na ididirek ng young blockbuster director na si Darryl Yap na director ng blockbuster movie na “Jowable” at ang ipalalabas soon na “Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar”.
Actually, kung hindi lang nagkaroon ng Covid ay dalawang movies na sana ang natapos gawin ni Shawie pero hindi nga natuloy dahil sa matagal na lockdown at pandemya.
Altough hindi pa natutupad ‘yung goal niyang mas pumayat pa at least, kita na ang kurbada ng katawan ng Megastar na ikinatuwa siyempre ng kanyang minamahal na Sharonians.
Aktibo pala sa social media si Shawie na may sariling Youtube channel na Sharon Cuneta network at 292K na ang bilang ng subrcibers nito. Infairness, maraming viewers ang sikat na singer-actress na mahilig makipag-collab sa vlog ng mga hinahangaan niyang komedyante.
***
Fil-Am Recording Artist JC Garcia, Ayaw Ng Stress Hinaluan Ng Komedya Ang Tiktok
Maliban sa pagkanta ng mga cover songs at pagsayaw sa kanyang Tiktok official account, dahil sa ayaw ng stress na makasasama sa kanyang health, minabuti ng Fil-Am Recording Artist na si JC Garcia na haluan ito ng komedya at bentang-benta naman ang mga ina-upload ng mahusay na singer-dancer.
Yes, hindi nawawalan ng views and likers si JC kasi aside sa pleasant siyang panoorin ay magaling naman talaga siya sa lahat ng aspeto ng talento.
Actually, kung sumunod lang si JC sa yapak ng late father na si Bino Garcia, siguradong kikilalanin din siyang isang mahusay na actor. Kung ‘di nga lang nagkaroon ng pandemic ay dapat magiging parte si JC sa longest Biblical stage play na “Kristo” na ang title roler ay ang beteranong actor na si Matt Ranillo.
Ang brother ni Matt na si Dandin Ranillo ang nag-alok kay JC sa magiging partisipasyon niya sana sa naturang play. God fearing person si JC kaya gusto niyang maging parte sa ganitong uri ng palabas.
***
2020 Most Outstanding Radio Host-Tokyo Liza Javier Cover Sa Glossy Magazine Na Circulated Sa Amerika, Europe At Asia
Pang international talaga ang dating ng pinarangalang 2020 Most Outstanding Radio Host-Tokyo ng 19th Annual GAWAD AMERIKA AWARDS na si Liza Javier. Bukod sa rami ng awards na tinanggap at sikat na musician sa Osaka at Tokyo, Japan popular din sa social media si Liza.
Sa katunayan ay napili siyang cover sa isang glossy magazine na Regal Beauty Magazine na well-circulated sa hindi lang sa iba’t ibang parte ng US kundi sa London, Paris, Dubai, Singapore, Hong Kong, Japan, at Manila. Ang ganda ng cover ni Liza na may one whole page article pa sa loob ng said magazine. Kaya siya ang napiling cover sa Regal Mag ay dahil sa taglay niyang ganda at mga achievements. Malaki ang pasasalamat ni Liza at natagpuan niya ang dalawa sa popular na beauty products sa Japan na anti-aging na Ruby-Cell at pampaputi at flawless ng skin na Riway. “Totoo ‘yan my dear friend Peter (tawag ni Liza sa inyong columnist) at talagang sobrang laki ng nagawa sa akin ng mga produktong yan. Alam mo naman na nasa internet tayo lagi kaya dapat always pretty and presentable.
“Saka ginawa ko na rin siyang business online and I’m very thankful na hindi ako nawawalan ng orders daily. About my magazine cover, gusto kong pasalamatan ang lahat ng bumubuo ng Regal Magazine especially my good friend graphic designer ng Gawad Amerika na si Sam Azurel. “Sobrang blessed ko last year at sana tuloy-tuloy na, para mas marami pa akong matulungan,” say pa ng sweet and kindhearted na si Liza Javier.