Advertisers

Advertisers

KC galante, beach resort ang b-day gift kay Mommy Mega

0 232

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

HAPPIEST birthday ang kaarawan ng nag-iisang Megastar Sharon Cuneta.

Bago nga mag-end ang 2020 ay naka-bonding na ni KC Concepcion ang ina nung Holiday Seasons.



Happy si Sharon dahil biglang bumulaga ang panganay na anak sa isang beach resort sa Amanpulo.

Kaya panibagong sorpresa ang binigay ni KC sa kaarawan ng ina nitong Enero 6, 2021.

Nakapagdesisyon ang singer-actress na isang beach house ang iregalo sa ina.

Para nga raw kapag type nito na umiwas sa maingay na lungsod sa Metro Manila ay may mapupuntahan ang mader na si Mega.

Sa IG post ng mag-ina ay kita ang patalbugan kung sino ba ang mas seksi.



Parehong sinang-ayunan ng netizens na both sexy ang mother and daughter na muling nag-bonding sa Palawan.

Sa pagbulaga ni KC ay ito na raw ang pinakamasayang birthday na kanyang ipinagdiwang.

Isiningit sa komento ng netizens na hindi ba raw atat at inip na ito na magkaroon ng apo sa panganay?

***

Pang-apat na baby nina Patrick at Nika Garcia, hiling ng bunsong anak

SA kabila ng pandemya ay nag-aalala pa rin ang couple na Patrick Garcia at esmi nito na si Nika Garcia.

Buntis kasi ang maybahay ni Patrick na si Nika sa pang-apat nilang beybi.

Kaya ganun na lang ang pag-iingat ng misis ni Patrick nung mag-spend sila ng Kapaskuhan sa Boracay.

Mas gusto naman ng couple lalo na ni Patrick na manatili sa bahay ang kanyang misis dahil sa pagiging preggy nito.

Answered prayer at panibagong blessing ito para kina Patrick at Nika.

May Tres Marias na sina Patrick at Nika kaya wish ng mag-asawa na maging baby boy na ang pang-apat na ipinagbubuntis ni misis.

Pero okey lang kung another girl daw ang kanilang pang-apat na anak.

Tutal naman daw ay mayroon na silang anak na lalaki kay Jennylyn Mercado na si Alex Jazz na binatilyo na.

Pagtatapat pa ni Patrick na ang bunsong anak na si Pia ang humiling na magkaroon ito ng bagong kapatid.

Well, well, well..’Yun na!