Advertisers

Advertisers

Paslit patay, 5 naospital sa adobong palaka

0 277

Advertisers

NASAWI ang isang paslit habang naospital ang limang iba pa nang kumain ng adobong palaka sa General Santos City nitong Biyernes.
Tatlo sa mga naospital ay pawang paslit din.
Mula sa dalawang pamilya ang nagsalo-salo sa nilutong palaka.
Matapos ang masayang salo-salo ay nakaramdam ng pagkahilo, pananakit ng tiyan at pagsusuka ang mga biktima.
Sa bundok na binawian ng buhay ang bata na hindi na nagawang maitakbo sa ospital.
Nirespondehan naman ng Barangay Health Center ang lima pang biktima na kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.