Advertisers
IBANG klase rin ang kapal ng mukha ng isang mataas na opisyal ng lungsod Pasay mga katoto!
Walang katulad sa pagiging KAPALMUKS at pagkagarapal!
Kung ang mga ibang opisyal ng mga siyudad na kapitbahay lamang ng Pasay ay subsob at natataranta kung paanong ililigtas ang kani-kanilang mga constituents sa salot na COVID-19 virus, ito namang hindot na halal na opisyal ay hindi magkandatuto sa pagbubukas ng mga bahay-aliwan sa nasabing lungsod kahit pa nga salungat ito sa mga pinapairal na safety at health protocols ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF).
Ang mga establisimiyentong nabibilang sa tinaguriang “night entertainment businesses” sa Pasay na front ng prostitusyon ay mga night clubs cum putahan at mga sauna bath con kangkangan!
Yes dear readers, may pagka-demonyong manyak ata itong si city hall official na tila kiti-kiti sa dalas na pag-ikot at pakikipag-ugnayan (meeting) nito sa mga operators ng mga ganyang negosyo sa lungsod ni Mayora Emi Calixto-Rubiano.
Hindi ba nahihiya si “city hall official” kay Mayora Emi na isa pa namang babae.
Kaladkad ng kupal na opisyal na ito ang buong imahe ng mga kababaihan ng Pasay.
Bukod tangi atang sa Pasay City lamang bulgaran ang operasyon ng mga so-called PUTAHAN sa Southern Metro Manila!
At ito ay dahil at kagagawan ng ungas na city hall official.
Isa nga sa paboritong pag-istambayan ng manyak na opisyal ay ang KING & QUEEN Club diyan sa Hobbies of Asia sa Macapagal Boulevard na isang dura lamang ang layo sa gusali ng Senate of the Philippines!
Bulwagan ng Senado ng bansa, take note!
Garapal po ang hubaran at prostitusyong nakakapangyari sa loob ng nasabing club na dapat sana’y sarado pa dahil mahigpit na ipinagbabawal nga ito ng IATF.
Hindi lamang po Covid-19 virus ang puwedeng pinupulutan dyan sa nasabing club ng mga hayok na kostomer na ang karamihan ay mga tulo-laway na Tsekwa at mga dayuhan na may malaking posibilidad na mahawahan ang mga kababaihang sex slaves ng KING & QUEEN Nightclub.
Pati mga sexually transmitted diseases gaya ng AIDS, herpes, tulo at STD ay posibleng andyan na rin po sa club na naturan.
Dahil kay city hall official, inutil na naturingan ang buong kapulisan magmula sa kay Pasay City Police Chief, Colonel Ericson Dilag hanggang sa Southern Police District (SPD) hanggang sa mga patong na opisyal at tauhan ni General Vicente Danao ng NCRPO!
May “patong” daw po General Danao sir!
Tinatawagan natin ng pansin ang “darling of the Press” na si General Danao na pasyalan nito ng personal ang KING & QUEEN Nightclub d’yan sa Macapagal Blvd., Pasay nang makita ng mismong mga mata n’yo ang ginagawang kababuyan sa loob ng naturang club na pinamamahalaan ng isang alyas CIELO A.
Baka makatiyempo pa kayo General ng mga “tulis” este pulis na nag-iinom at nambababae sa loob.
Isusunod po natin ang iba pang mga karaoke joints, beerhouses at sauna bath parlors na pawang nasa Sin City ng Metro Manila.
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com