Advertisers

Advertisers

Testigo sa pagpaslang kay Dacera, hawak na ng NBI

0 489

Advertisers

Nasa kamay na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang sinasabing witness at maaaring makapagbigay-linaw sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.
Kinilala ang testigo na si Jake Esteron, residente ng Tacloban.
Sa ulat, lumapag si Esteron sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 lulan ng Philippine Airlines flight PR-2986.
Kasama nitong lumapag ang mga ahente ng NBI sa pangunguna ni NBI Deputy Director at Spokesperson Ferdinand Lavin.
Ayon sa NBI, ang naturang testigo naka-check in noon sa Room 2207 at posibleng tuluyan na nga itong gawing state witness kapag na-verify ang kanyang mga testimonya.
Una nang nagbigay ng kanilang mga testimonya sa NBI ang 12 persons of interest mula sa Room 2207.
Sa CCTV camera footage mula sa hotel, makikita na ilang ulit na sinundo si Dacera ng kanyang mga kaibigan sa Room 2207 ilang oras bago ito namatay.
Kamakailan lamang, tumulak sa General Santos ang NBI para sa re-autopsy sa labi ni Dacera kung saan sinabi ni Lavin batay sa isinasagawa nilang imbestigasyon na may nangyaring krimen sa pagkamatay ng flight attendant. (Jocelyn Domenden)